• Home
  • Fresh Scoops
  • Isyu para kay Kit Thompson ang pagtanggap ni Ana Jalandoni ng sexy roles kahit na alam niyang sexy star ang kanyang girlfriend.

Kit Thompson, isyu ang pagtanggap ni Ana Jalandoni ng sexy roles

Isyu para kay Kit Thompson ang pagtanggap ni Ana Jalandoni ng sexy roles kahit na alam niyang sexy star ang kanyang girlfriend.

Kit Thompson, isyu ang pagtanggap ni Ana Jalandoni ng sexy roles-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

04/04/2022 05:09 PM
Kit Thompson, isyu ang pagtanggap ni Ana Jalandoni ng sexy roles
Photo credit to @kitthompson Instagram | Screenshot from The Boy Abunda Talk Channel

Isa sa mga pinag-awayan nina Kit Thompson at Ana Jalandoni bago pinagsasampal at pinagsusuntok ng aktor ang kanyang girlfriend ang pagtanggap ng aktres ng mga sexy roles.

Ito ang kanilang pangalawang pinag-awayan bago sila nakarating ng Tagaytay noong ika-17 ng Marso, ayon kay Ana sa kanyang tell-all interview kay Boy Abunda.


Habang nasa sasakyan naman umano sila, biglang nagalit si Kit nang muling tumanggap ng sexy role ang kanyang girlfriend.

Kilala si Ana bilang sexy actress at ilan sa kanyang mga nagawang pelikula ang Pakboys Takusa, and Paglaki Ko, Gusto Kong Maging Pornstar.

Ani Ana alam niyang may bed scene ito dahil sexy thriller ang kanyang gagawing proyekto ngunit wala pa umano siyang natatanggap na script.

“Sabi niya, ‘So anong kwento niyan?’ Sabi ko, ‘It’s a sexy thriller… May bed scene diyan, may patayan din diyan. Hindi ko pa alam, wala pa sa akin 'yung script, wala pa sa akin ‘yung storyline. Pinag-uusapan pa lang namin,’” ani Ana.

READ: Kit Thompson’s agency releases statement on issue surrounding actor

Ngunit bigla na lamang umano siyang sinabihan ni Kit ng mga masasakit na salita tungkol sa kanyang dibdib.

“Tapos sabi niya, ‘So ano, papalamas ka na naman ng suso? Gusto mo ba talaga 'yung ginaganyan ka? 'Yung mga lalaki hinahalikan ka or hinahawakan 'yung suso mo?’”

Ipinaliwanag naman ni Ana kay Kit na parte ito ng kanyang trabaho at kung kinakailangan naman umanong tanggihan ang ilang eksena ay kakausapin niya ang kanyang director.

“Sabi ko, ‘Kit trabaho natin ito. Walang malisya sa akin 'yung mga ganon. Nagfro-frontal ba ako? Hindi. May limit lang 'yung pagpapa-sexy ko at alam mo iyan.’ Sabi niya, ‘Hindi eh. Parang gusto mo eh. Gusto mo ba?’ Sabi ko, ‘Siyempre hindi pero it’s part of my job. Kung ayaw mo, kakausapin ko 'yung director.’”

Bagama’t gusto umano ni Ana gumawa ng ibang roles, wala pa umanong dumadating na oportunidad kaya nama’t tatanggapin niya hangga’t maaari ang mga proyekto na ino-ooffer sa kanya.

“Sabi niya, ‘Love, sorry. Kasi siyempre gusto ko bago na. Alam ko naman na sexy 'yung image mo, ganyan 'yung roles mo pero siyempre gusto ko maging action star ka, magkaroon ka ng mga series na iba.’ Sabi ko, ‘Kit ako din naman gusto ko iyon. Pangarap ko nga maging action star, idol ko nga si Angel Locsin,’" ani Ana.

Dagdag pa iya: "Pero may trabaho eh, so iga-grab ko kaysa wala akong trabaho, sayang. Wala naman iyon sa akin, it’s part of the job naman, trabaho lang. Sabi niya sorry. So sabi ko kakausapin ko si direk na hindi ko gagawin yung mga ayaw mo.”

Bagama’t pansamantalang nagkaayos, hindi umano dito natapos ang kanilang pag-aaway. Ani Ana, gusto umano ni Kit na i-unfollow na ang mga dati nitong manliligaw at huminto na sa kaka-like sa kanilang posts.

READ: Kit Thompson behind bars after Tagaytay incident; girlfriend recuperating in hospital

Maliban dito, may mga ilan pang pinag-awayan sina Ana at Kit kabilang na naging dahilan upang bugbugin siya ng aktor noong araw na iyon.