• Home
  • Fresh Scoops
  • Isa si Jojo Bragais sa naging bahagi ng Team Catriona na nagbigay suporta sa 2018 Miss Universe journey ni Catriona Gray.

Jojo Bragais, may hinanakit nga ba kay Catriona Gray?

Isa si Jojo Bragais sa naging bahagi ng Team Catriona na nagbigay suporta sa 2018 Miss Universe journey ni Catriona Gray.

Jojo Bragais, may hinanakit nga ba kay Catriona Gray?-Kiko Escuadro
BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

04/04/2022 03:37 PM
Jojo Bragais, may hinanakit nga ba kay Catriona Gray?
Photo credit to @jojobragaisofficial and @catriona_gray Instagram

Kasunod ng naging unveiling ng Madame Tussauds wax figure ni 2018 Miss Universe Catriona Gray sa Singapore, tila isang patutsada sa social media ang naging buwelta ng Filipino shoe designer na si Jojo Bragais sa hindi umano pag-acknowledge sa kaniya sa naging detalye ng second Filipina Madame Tussauds wax figure.

READ: Catriona Gray’s wax figure finally unveiled


Isang palaisipan na Facebook post ang inupload ng Pinoy shoe maker.

“You don’t have to like me, But At least give the respect…” post ni Jojo na sinundan ng hashtags na “#waxIn #waxOut”

Jojo Bragais, may hinanakit nga ba kay Catriona Gray

IMAGE FROM JOSE JOAQUIN BRAGAIS FACEBOOK

RELATED LINK: What to expect with Catriona Gray’s wax figure at Madame Tussauds

Isa si Jojo sa mga naging kilalang shoe designer dahil sa kaniyang high heels creation na kadalasan ay ginagamit ng mga aspiring beauty queen sa mga pageants.

Matatandaan na isa rin si Jojo sa mga kilalang malapit na kaibigan noon ng 2018 Miss Universe dahil na rin sa pagbibigay suporta nito sa pageant journey ng fourth Pinay Miss Universe.

Sa previous interview ng PUSH kay Jojo sa naging venture niya sa vlogging for his YouTube channel, kinumusta siya at ang Team Catriona matapos ang 2018 Miss Universe pageant sa Bangkok, Thailand.

“Masaya kami for everybody. Ganun naman palagi, memories,” sambit ng Pinoy shoe maker sa PUSH.

“Everytime I think about them, masaya ako because sobrang magaganda ang mga career nila and hanggang ngayon okay ‘yun,” matipid na tugon ni Jojo.

Ibinahagi rin niya na nagkakaroon rin ng pagkakataon na nagkikita-kita sila ng ilang miyembro ng team na naging matalik rin niyang kaibigan.