• Home
  • Fresh Scoops
  • ‘Maalaala Mo Kaya’ actress Charlie Dizon talks about her experience working successfully with different leading men on every project.

Charlie Dizon on working with Kiko Estrada for MMK: ‘Nag-jive naman kami agad’

‘Maalaala Mo Kaya’ actress Charlie Dizon talks about her experience working successfully with different leading men on every project.

Charlie Dizon on working with Kiko Estrada for MMK: ‘Nag-jive naman kami agad’-Rhea Manila Santos
BY
Rhea Manila Santos

Twitter: @allaboutmanila

FRESH SCOOPS

04/04/2022 10:20 AM
Charlie Dizon on working with Kiko Estrada for MMK: ‘Nag-jive naman kami agad’
Photo credit to @jasondiazejercito and @charliedizon_ Instagram

Compared to her previous work in various shows, actress Charlie Dizon said her approach to acting is very different when it comes to working on Maalaala Mo Kaya. As the star of “My Dream Groom” episode which will be released on April 23, the 25-year-old actress said she takes her character very seriously.

“Para sa akin lahat ng material sa MMK mabigat talaga so siguro kaya lalabas talaga yung side na yun sa ‘yo bilang aktor na mas mahirap, mas challenging. Sa lahat din ng characters na ginagampanan ko, I see to it na nararamdaman ko siya as totoong tao talaga. So parang pareho kasi depende sa atake at depende din sa story talaga. At saka very lucky kami na yung MMK production nila sobrang giving nila sa lahat ng materials na kailangan mo bilang aktor. Ultimo yung mga video clips ng totoong tao, yung mga letter senders ipapakita nila yung mga pictures ng pinagdaanan nila. So from there maaaral mo talaga yung character and mas lalalim talaga yung pagkakaintindi mo,” she shared.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by MMKOfficial (@mmkofficial)


READ: Charlie Dizon flaunts beach body in El Nido

Having worked with several leading men like Paulo Avelino, Jameson Blake, and Joshua Garcia on different projects, Charlie said she tries her best to make an effort and create natural chemistry with them even when off camera.

“Siguro depende din kung sino yung partner ko. Siyempre sa una i-check ko muna kung madali ba kausapin. Pero usually naman hindi ko na naiisip yun. Usually ako na yung unang nagbe-break ng ice. Ako na rin yung kumukumusta agad tapos nagpapakilala din ako agad. In fairness, sinuwerte ako sa lahat ng mga naging ka-partner ko. Lahat naman sila naging mababait sa akin. Lahat naging madali katrabaho.

“Siguro ang kinasuwerte ko sa iba iba yung nagiging katrabaho ko is iba iba din yung learnings sa bawat nakakatrabaho ko. So feeling ko mas nag-go-grow din ako bilang aktres. Kasi halimbawa yung isa may ganitong technique tapos nakukuha ko rin yung gawa nila or yung iba ang gaan lang talaga katrabaho, yung talagang mag-ja-jive lang kayo. Madali na lang lahat ng bagay kasi makikita mo rin kung gaano sila ka-passionate. And yun din yung kinaka-thankful ko din na iba iba yung nakakatrabaho ko,” she explained.

READ: Joshua Garcia is impressed with new leading lady Charlie Dizon: ‘Best actress nga talaga siya’

Even though she is a leading lady, Charlie said she does not want her male co-stars to do things for her.

“Parang yun yung gusto ko patunayan as an empowered woman, na hindi ko kailangan ng may mag-aalaga sa akin. Kaya kong alagaan yung sarili ko. Ayoko rin talaga maging pabigat kahit kanino. Para kung may maiaambag ako gagawin ko talaga kung ikadadali ng sitwasyon. So yun yung lagi kong iniisip, na sana huwag ako maging pabigat. Mas nakakahiya yun kung maging pabigat ako,” she revealed.

READ: Charlie Dizon, Lovi Poe nominated for best actress in 69th FAMAS

For MMK, Charlie was paired with Kiko Estrada for the first time as they play a couple whose marriage plans get complicated when the pandemic hits the country. While shooting the episode, Charlie shared that Kiko was easy to work with.

“Nung una nung nalaman ko na makaka-partner ko si Kiko. Hindi pa kasi kami magkakilala in person talaga so medyo nahiya din ako na siyempre bagong partner ulit tapos totoong tao yung gagampanan namin na mag-jowa. So medyo nakaka-awkward sa umpisa. Pero kasi bago kami mag-shoot, nag-pictorial kami for picture props tapos nag-jive naman kami agad. Parang nagkabiruan kami kagad. So na-feel ko kagad na madali siya katrabaho.

“And at the same time nakita ko din na passionate siya sa ginagawa niya. Memorize niya kagad yung script, napag-uusapan namin yung characters namin, kung paano yung dynamics namin sa isa’t isa bilang mag-jowa. Kasi si Kiko galing siya sa family ng mga artista and nai-share nga niya yung passion nila kumbaga kung paano siya pinagsasabihan din ng parents niya pagdating sa show business. Malaking tulong din sa akin na naiintindihan ko yung mga pinanggalingan nila and yung mga advice ng parents niya naintindihan ko. So yun yung mga natutunan ko sa kanya. Kumbaga hindi lang sa acting. Kapag nakakausap ko siya nakikilala ko din siya kung paano siya as a person,” she said.