• Home
  • Fresh Scoops
  • Ano-ano ang mga katangian na hinahanap ng aktor at bida ng ‘How To Move On In 30 Days’ na si Albie Casiño sa isang babae?

Albie Casiño, ibinahagi ang mga katangian na hinahanap niya sa isang babae

Ano-ano ang mga katangian na hinahanap ng aktor at bida ng ‘How To Move On In 30 Days’ na si Albie Casiño sa isang babae?

Albie Casiño, ibinahagi ang mga katangian na hinahanap niya sa isang babae-Leah Bueno
BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

04/04/2022 11:46 AM
Albie Casiño, ibinahagi ang mga katangian na hinahanap niya sa isang babae

Inamin ng bida ng How To Move on in 30 Days na si Albie Casiño na hindi madali para sa kanya ang-move on sa isang relasyon.

Ayon sa aktor, sa katunayan ay 2019 pa noong huli siyang nagka-girlfriend, at hanggang ngayon ay tila hindi pa rin siya handang pumasok muli sa isang relasyon.

"So I guess you can say that hindi pa ako 'moved on,'" ani Albie. "I'm totally over it, wala na, I don't mind anymore. But right now, feeling ko hindi pa ako ready magka-relationship."

Paliwanag ni Albie, masaya at kuntento siya sa kanyang buhay bilang single ngayon. Aniya, nais din muna niyang mag-enjoy at mag-focus sa kanyang sarili, mga kaibigan, at karera sa showbiz sa ngayon.

"In love ako sa pwesto ko sa buhay ngayon. I love life right now. I love my fans. Pero romantically, wala talaga," sagot ng aktor nang matanong kung in love ba siya ngayon.

"Wala akong time magka-dyowa. Like I barely have time to see my friends. I barely have time to do all this work. And that's one thing I really realized sa last relationship ko. Because I was together with her for four years, and we lived together, too. So parang napabayaan talaga 'yung relationship ko with my friends because I was always with my girlfriend. Tapos nagka-COVID pa tayo, so ang tagal na panahon na wala akong ginagawa, hindi ko nakikita mga friends ko. So now I think I just want to have fun. I just want to enjoy."

Gayunpaman, ibinahagi ni Albie kung ano ang mga katangian na hinahanap niya sa isang babae.

"Siguro number one, 'yung marunong na makipaghalubilo sa tao. She has to be like me. Kahit naman not super outgoing like me, pero marunong. Because I have so many different groups of friends. ... I have friends from everywhere. Kailangan masama kita sa lahat ng 'yan, and kaya mong makisabay, kaya mong makisama," aniya.

"That's number one. Number two is kailangan confident ka rin siguro sa sarili mo. Number three is you have to take care of yourself like I take care of myself. 'Di ba, hindi naman sa pagiging shallow. ... And number four is she has to understand my gym habits."

READ: Albie Casino, inaming na-attract kay Shanaia Gomez

Samantala, natanong din si Albie tungkol sa kanyang opinyon sa closure at pagbibigay ng second chance sa isang relasyon.

Ayon sa aktor, para sa kanya ay "overrated" ang closure at hindi na ito kailangan upang makapag-move on sa isang relasyon.

"I think it's overrated. You don't need closure. Like, if your girl cheated on you, what's the closure? That's it, she cheated on you. You don't need to know why, 'di ba? Magtatanong ka, why did you cheat? Kasi mas pogi 'to? Don't ask questions you don't want to hear [the answers to]," aniya.

"In my personal opinion ha, I really honestly think that closure is overrated. Like with my last relationship, wala namang third party na nangyari. We just broke up because of reasons you could ... Feasible talaga na umupo kami, mag-usap kami para may closure. Pero para saan pa? What's the point? I really think that it's overrated. You're just putting yourself in a bad situation."

Dagdag pa ni Albie: "[Of course] depende sa tao, depende sa circumstances. Pero ako personally, I think it's not a good idea. Tatagal pa 'yung pagmu-move on mo diyan. Just forget about it! It didn't work, it's done. Tanggapin mo na lang."

Pagbabahagi din ng aktor, willing siyang magbigay ng second chance sa kanyang ex dahil lahat naman ng tao ay maaari umanong magbago.

"Yeah, I don't see why not. I'm a completely different person now than I was five, six years ago. So who's to say that my ex isn't different also, 'di ba? Of course, depende rin sa circumstances, depende sa lahat. Pero I don't see why people shouldn't get another chance," aniya.

"Because I'm someone who's benefitted from a second chance, 'di ba," dagdag pa niya. "I'm not saying in relationships ha. But, like, even in showbiz. I would not never take a second chance for granted talaga. So who am I to not give someone a second chance?"

Kasama ni Albie na bibida sa How To Move On In 30 Days sina Carlo Aquino at Maris Racal. Mapapanood ang nasabing palabas sa YouTube simula ngayong Lunes, Abril 4.

Panoorin ang buong panayam ni Albie sa "PUSH Bets Live" dito:

Ang PUSH Bets Live ay isang weekly online show na mapanood sa PUSH at ABS-CBN Facebook pages pati na sa push.com.ph.