• Home
  • Fresh Scoops
  • Bukod kay Catriona Gray, isang get together rin ng former Miss Universe queens ang naganap.

PANOORIN: Miss Universe Harnaaz Sandhu, naging emosyonal nang makita si Catriona Gray

Bukod kay Catriona Gray, isang get together rin ng former Miss Universe queens ang naganap.

PANOORIN: Miss Universe Harnaaz Sandhu, naging emosyonal nang makita si Catriona Gray-Kiko Escuadro
BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

04/30/2022 10:45 AM
PANOORIN: Miss Universe Harnaaz Sandhu, naging emosyonal nang makita si Catriona Gray
Photo credit: @@missuniverse and @supsupshamcey Instagram stories

Surpresang dumating sa naganap na Miss Universe Philippines dinner party si Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Hindi inaasahan ni reigining Miss Universe Harnaaz Sandhu ang pagdating ng former Miss Universe na nakasuot ng hot pink cocktail dress.


Video courtesy @missuniverse Instagram story & @supsupshamcey

Sa kanilang pagkikita, batid ang kasiyahan ni Harnaaz na sinalubong si Catriona ng mahigpit na yakap.

Wala sa line-up of hosts si Catriona na pinangungunahan nina Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, Miss Universe 2016 Iris Mittenaere and Miss Universe 2017 Demi Leigh Nel Peters Tebow na kumpleto na ngayon dito sa Pilipinas.

Tila nagmistulang reunion ang naging pagkikita ng former Miss Universe queens sa gaganapin na coronation night ng Miss Universe Philippines 2022 sa Mall of Asia Arena ngayong Sabado April 30.

Video Courtesy @Missuniverse IG story

Si Beatrice Luigi Gomez ang reiging Miss Universe Philippines na magpapasa ng korona sa bagong pambato ng Pilipinas sa darating na edition ng Miss Universe.