• Home
  • Fresh Scoops
  • Umarangkada na ang laban para sa susunod na Miss Universe Philippines.

Miss Universe Philippines Top 16, inanunsyo na

Umarangkada na ang laban para sa susunod na Miss Universe Philippines.

Miss Universe Philippines Top 16, inanunsyo na-Kiko Escuadro
BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

04/30/2022 09:04 PM
Miss Universe Philippines Top 16, inanunsyo na

Sinalubong ng malalakas na hiyawan ang 31 lovely candidates ng Miss Universe Philippines 2022 nitong April 30 sa Mall of Asia Arena. 

Opening pa lang, nagpamalas na ng kani-kanilang pasarela ang mga kandidata suot ang makukulay na kasuotan. 

From 31 lovely candidates, down to 15 candidates ang pinili ng panel of judges. Pasok ang mga kandidata mula sa: 


Taguig 

Cebu City 

Aklan 

Makati 

Albay 

Palawan 

Iloilo Province 

Baguio City 

Cebu Province 

Misamis Oriental 

Bohol 

Ilocos Sur 

Laguna 

Pasay City 

Iloilo City 

Highest online Votes: Nueva Vizcaya 

Matapos ang 16 candidates, top 10 finalist naman ang rarampa para sa next level ng competition. 

Mula sa 10 finalist, top 5 candidates naman ang susulong para sa final round ng competition kung saan pipiliin ang Miss Universe Philippines 2022. 

Samantala, ramdam na ramdam rin ang pag-cheer ng crowd sa paglabas ng three former Miss Universe queens na nagsisilbing hosts rin ng coronation night na sina Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, Miss Universe 2016 Iris Mittenaere, and Miss Universe 2017 Demi Leigh Nel Peters Tebow. 

Sa bahagi ng kuwentuhan ng hosts, binalikan ni Iris ang kaniyang special memories sa Pilipinas kung saan ipinasa sa kaniya ni Pia ang title bilang Miss Universe. 

“It’s so nice to be back here. Five years ago, in this exact venue, you passed on your crown and title to me. [The] Philippines will always have a special place in my heart,” sambit ni Iris. 

Bahagi naman ng board of judges ang sampung kilalang personalidad mula sa iba’t ibang larangan kung saan bahagi si Miss Universe 2021 Harnaaz Sandhu. 

Tumanggap naman ng first set of special awards sina Miss Ilocos Sur for Miss Friendship, Miss Pasay for Miss Photogenic, and Miss Albay na nakasungkit ng National Costume award. 

Si Beatrice Luigi Gomez ang reiging Miss Universe Philippines na magpapasa ng korona sa bagong pambato ng Pilipinas sa darating na edition ng Miss Universe.