• Home
  • Fresh Scoops
  • Umarangkada na ang laban para sa susunod na Miss Universe Philippines

Latugat, Cortesi, Dee, Llegado, Schimdt; pasok sa first cut ng Miss Universe PH

Umarangkada na ang laban para sa susunod na Miss Universe Philippines

Latugat, Cortesi, Dee, Llegado, Schimdt; pasok sa first cut ng Miss Universe PH-Kiko Escuadro
BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

04/30/2022 09:14 PM
Latugat, Cortesi, Dee, Llegado, Schimdt; pasok sa first cut ng Miss Universe PH

Sinalubong ng malalakas na hiyawan ang 31 lovely candidates ng 2022 Miss Universe Philippines nitong April 30 sa Mall of Asia Arena.

Opening pa lang, nagpamalas na ng kanilang pasarela ang mga kandidata suot ang makukulay na kasuotan.

From 31 lovely candidates down to 15 candidates ang pipiliin mula sa board of judges at isa naman ang pipiliin mula sa highest votes na binubuo nila


Taguig
Cebu City
Aklan
Makati
Albay
Palawan
Iloilo Province
Baguio City
Cebu Province
Misamis Oriental
Bohol
Ilocos Sur
Laguna
Pasay City
Iloilo City

Highest online Votes - Nueva Vizcaya

Matapos ang 16 candidates top 10 finalist naman ang rarampa para sa next level ng competition.

Mula sa 10 finalist, top 5 candidates naman ang susulong para sa final round ng competition kung saan pipiliin ang Miss Universe Philippines 2022.

Samantala, ramdam na ramdam rin ang cheer ng crowd sa paglabas ng three former Miss Universe na hosts rin ng coronation night na sina 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach, 2016 Miss Universe Iris Mitinaere and 2017 Miss Universe Demi Leigh Nel Peters.

Sa bahagi ng kuwentuhan ng hosts, binalikan ni 2016 Miss Universe Iris Mitenaere ang kaniyang special memories sa Pilipinas kung saan ipinasa sa kaniya ni Pia ang title bilang Miss Universe.

“It’s so nice to be back here. Fiver years ago, in this exact venue, you pass on your crown and title to me. Philippines will always have a special place in my heart,” sambit ni Iris.

Bahagi naman ng board of judges ang sampung kilalang personalidad mula sa iba’t ibang larangan kung saan bahagi si 2021 Miss Universe India Harnaaz Sandhu.

Tumanggap naman ng first set of special awards sina Miss Ilocos Sur for Miss Friendship, Miss Pasay for Miss Photogenic and Miss Albay na nakasungkit ng National Costume award.

Si Beatrice Luigi Gomez ang reiging Miss Universe Philippines na magpapasa ng korona sa bagong pambato ng Pilipinas sa darating na edition ng Miss Universe.