• Home
  • Fresh Scoops
  • Ang 24-year old Filipina-Italian beauty ang bagong Miss Universe Philippines.

Celeste Cortesi is the new Miss Universe Philippines

Ang 24-year old Filipina-Italian beauty ang bagong Miss Universe Philippines.

Celeste Cortesi is the new Miss Universe Philippines -Kiko Escuadro
BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

05/01/2022 12:10 AM
Celeste Cortesi is the new Miss Universe Philippines
Photo Credit: @themissuniverseph on Instagram

From 32 candidates, stand out ang ganda ng representative ng Pasay City na si Celeste Cortesi bilang bagong Miss Universe Philippines. 

Ang 24-year-old Fil-Italian beauty ang nagwagi sa coronation night nitong April 30 sa Mall of Asia Arena. 

 


 

Hindi na bago sa larangan ng beauty pageant si Celeste na unang naging pambato ng Pilipinas sa prestigious Miss Earth 2018 pageant. 

Bago ang Miss Earth Philippines, isang professional model si Celeste at isa rin siyang entrepreneur and advocate. 

 

 

Extra special ang naging coronation kay Celeste kung saan present rin ang reigning Miss Universe 2021 na si Harnaaz Sandhu ng India at former Miss Universets na sina Pia Wurtzbach, Iris Mittenaere, and Demi Leigh Nel Peters Tebow. 

Samantala, first and second runner up naman si Katrina Llegado ng Taguig and Annabelle McDonnell ng Misamis Oriental. 

Miss Universe Philippines Tourism naman ang nakuha ni Michelle Dee of Makati habang si Pauline Amelinckx ng Bohol naman ay Miss Universe Philippines Charity. 

Sa ngayon, wala pang definite date kung kailan gaganapin ang Miss Universe pageant.