• Home
  • Fresh Scoops
  • Baron Geisler is seeking treatment again for his alcohol addiction.

Baron Geisler admits wife Jamie Evangelista is asking for an annulment

Baron Geisler is seeking treatment again for his alcohol addiction.

Baron Geisler admits wife Jamie Evangelista is asking for an annulment-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

04/30/2022 01:30 PM
Baron Geisler admits wife Jamie Evangelista is asking for an annulment
Photo credit: @jamieevangelista Instagram

Pansamantalang magkahiwalay ngayon sina Baron Geisler at ang asawang si Jamie Evangelista. Ito mismo ang kinumpirma ni Baron sa entertainment press na umatend sa ginanap na Vivamax Summer Campaign presscon few days ago.

Ayon kay Baron, naninirahan siya ngayon sa bahay ng isa kanilang sponsor ni Jamie na kasamahan nila sa fellowship.

Ayon sa aktor, muli siyang sumasailalim ngayon sa recovery process na konsepto ng Alcoholics Anonymous na mayroong 12 guidelines. Nakatutulong ang program na ito para makaiwas at makawala sa bisyo ang sinumang mayroong problema ng adiksyon sa alak.


“Jamie and I followed the advice of our sponsors to take a break and seek treatment as we renew our efforts to each work on our 12-step program,” pahayag ni Baron.

READ: Baron Geisler’s wife reveals his plans to return to rehab: ‘Napuno na siguro ako’

Umaasa si Baron na magiging maayos pa ang pagsasama nila ng asawa na sinubok nang muling bumalik ang aktor sa pag-inom ng alak na nauwi pa nga sa pagtatalo nila ni Jamie.

“Hopefully, we can soon be back together when emotions are less raw,” pag-asam ni
Baron.

Sa isang social media post ay may mensahe naman ang aktor para sa kanyang mga tagasuporta na nag-congratulate sa kanya pagkatapos niyang grumaduate sa Theology.

“Guys, I appreciate your congratulatory messages but I really did not work that hard to earn a degree in Theology, I take it as a blessing.

“I am still a work in progress. I’m still in treatment for my alcohol addiction, hoping that I will get better roles in the future,” aniya.

READ: Baron Geisler fulfills dream of getting a college degree

May pakiusap din siya sa Viva Films na producer ng mga Vivamax content na karamihan ay sexy ang genre.

Ani Baron, “Hopefully, Vivamax will create movies that promote good family values and not just soft porn content for the reason that sex sells.

“Invest in acting workshops and character development. It is contradictory to my beliefs as a Christian and my image as a transformed family man.”

Kasunod nito ay inamin din ng aktor na humihingi na ng annulment ang kanyang asawa.

“I am not proud of it and it’s taking a toll on my marriage, from my wife who is demanding for an annulment. God bless us all!” pagtatapat ng magaling na aktor.