AJ Raval hindi na muna tatanggap ng sexy roles

Balak ni AJ Raval na bumalik sa pag-aaral.

 AJ Raval hindi na muna tatanggap ng sexy roles-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

04/30/2022 02:39 PM
 AJ Raval hindi na muna tatanggap ng sexy roles
Photo credit: @ajravsss Instagram

Ang pelikulang Kaliwaan ang magsisilbing huling sexy film ni AJ Raval for the meantime pagkatapos niyang magdesiyon na magpahinga muna sa pagtanggap ng mga sexy roles. Tinanggihan din ni AJ ang remake ng classic film na Scorpio Nights.

Ayon sa dalaga, babalik siya sa pag-aaral kaya hindi niya tinanggap ang pelikula.

Sabi niya, “Grateful po ako na para sa akin ang Scorpio Nights kasi nag-i-start pa lang ako sa Viva, yon na rin po ang pinag-uusapan, Scorpio Nights. Pero parang magla-lie low po muna ako sa pagpapaseksi. Mag-aaral din muna po ako.”


Katwiran pa niya, kung mas nagawa raw nang mas maaga ang Scorpio Nights ay okey lang naman sa kanya.

“Yung Scorpio Nights, kung nagawa po siya ng earlier like this month, April, siguro sa akin pa rin po siya. Magagawa ko pa rin siya. Pero parang may goal ako this year, eh. Like, kunwari po, June po, pasukan, plan ko po is mag-enroll ako this year.

“Malungkot din po ako na isa po yung Scorpio Nights sa pagsa-sacrifice ko dahil may plans ako this year katulad po ng pag-aaral ko,” paliwanag niya.

READ: AJ Raval admits crying after doing her very first love scene: ‘Baby, baby pa kasi ako nun!’

Idinagdag din ni AJ na kung magpapaseksi siya sa mga susunod na gagawing pelikula dapat daw ay meron itong katuturan. Gusto na rin daw niyang gumawa ng action movie. Si AJ ay anak ng dating action star na si Jeric Raval.

“Nagbabawas na rin po ako sa pagpapaseksi. Napag-usapan na rin po namin ito ng manager ko, ng Viva actually. Gusto ko po talaga mag-action. Gusto ko rin po na makuha yung dream ko na mag-action,” sambit niya.

Hindi naman binanggit ni AJ kun anong kurso ang kukunin niya sa college at kung saang school siya mag-aaral.

“Ayoko po munang i-public kung saan po ako mag-aaral at saka yung course na pag-aaralan ko po this year, pero mag-aaral po ako ngayon,” lahad niya.

Dugtong ni AJ, “Ang showbiz po, kung para sa akin naman po, puwede pa po akong bumalik. Hindi po mawawala sa akin. Pero yung pag-aaral, lumilipas po kasi yung panahon ko, eh. Habang bata pa po ako, habang may chance pa po ako na ituloy ang pag-aaral ko, which is gusto ko naman po at gusto ng parents ko and family, itutuloy ko yung pag-aaral ko.

“So, kung hindi po talaga para sa akin ang pag-aaral, malalaman ko rin naman po yun, babalik po ako sa showbiz.

"Hindi rin naman po ako mawawala sa showbiz, kaya din naman po pagsabayin. Parang bawas-bawas lang po ng work.”

READ: Ayanna Misola on doing a kissing scene with AJ Raval: ‘Super lambot ng lips niya’

Kasama ni AJ sa Kaliwaan na mapapanood sa Vivamax sina Mark Anthony Fernandez, Felix Roco at ang kapapanalo lang ng best actor sa Asian Film Festival na si Vince Rillon.