• Home
  • Fresh Scoops
  • Ani Sharon Cuneta, ‘I seriously love and respect this guy, now more than ever.’

Sharon Cuneta, puring-puri sa dedikasyon ni Coco Martin sa ’FPJ’s Ang Probinsyano’

Ani Sharon Cuneta, ‘I seriously love and respect this guy, now more than ever.’

Sharon Cuneta, puring-puri sa dedikasyon ni Coco Martin sa ’FPJ’s Ang Probinsyano’-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

04/03/2022 07:42 PM
Sharon Cuneta, puring-puri sa dedikasyon ni Coco Martin sa ’FPJ’s Ang Probinsyano’
Photo Credit: @reallysharoncuneta on IG

Sa Instagram post ni Sharon Cuneta nitong Biyernes, April 1, 2022, ay hindi niya napigilan ang magbahagi kung bakit labis ang paghanga niya sa FPJ’s Ang Probinsyano actor, writer, and director na si Coco Martin.

Puring-puri ni Megastar si Coco sa tindi ng dedikasyon nito sa trabaho.

Ayon pa kay Sharon, malaki ang naibibigay na kaligayahan sa personal na buhay niya at sa kanyang showbiz career ang ipinapakitang magandang halimbawa ni Coco.


“My Coco @cocomartin_ph has given me one of the best and happiest experiences not just of my career but also my life! I seriously love and respect this guy, now more than ever. Brilliant. Kind. Good to everyone.

“Does everything—directs, writes, acts—gives his all for our show and our loyal audience. I have nothing but respect for him,” papuri ni Sharon sa aktor sa kanyang IG post.

 

 

Sa naturang post ay nagbahagi rin si Sharon ng larawan nila ni Coco habang mahigpit itong nakayakap sa kanya. Si Sharon ay gumaganap ng karakter ni Aurora sa Kapamilya primetime series na Ang Probinsyano.

Ipinagmalaki din ni Sharon na “Mi” na short for mommy ang tawag sa kanya ni Coco.

“He calls me ‘Mi,’  short for ‘Mommy!’ Pinanganak ko siya nung 12 ako. And I love being his inay!” biro ni Megastar.

“He gave me a new, genuine, loving family by bringing me into our show. And I will always be grateful for that!” dagdag niya.

 

 

Nagpa-cater din si Mega para sa cast at crew ng Ang Probinysano na siyang ikinatuwa ng kanyang mga kasamahan.

Hindi naman maiwasan ni Sharon ang mag-alala sakaling magtapos na ang airing ng Ang Probinsyano. Baka raw kasi hindi na maipagpapatuloy ang mataas na standard na nai-set at nasimulan ni Coco sa pagtatrabaho.

“Ang problema ko nga ngayon pano na pag natapos na ang show namin? How will anything else measure up to the standards Coco has set? Waaaaaahhh!!!” bulalas ni Megastar.

“Love you my handsome, smart, hardworking and loving son!” sambit pa ng award-winning actress, singer at TV host.