• Home
  • Fresh Scoops
  • Naniniwala din si Diego Loyzaga ang pera ay dapat pinaghihirapan para panghahalagaan ito ng tama.

Diego Loyzaga, naging biktima na din ng investment scam

Naniniwala din si Diego Loyzaga ang pera ay dapat pinaghihirapan para panghahalagaan ito ng tama.

Diego Loyzaga, naging biktima na din ng investment scam-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

04/03/2022 06:20 PM
Diego Loyzaga, naging biktima na din ng investment scam
Photo Credit: @diegoloyzaga on IG

Naniniwala si Diego Loyzaga na ang perang galing sa sugal o napanalunan dito ay madali ring nawawala. Hindi kasi ito yung matatawag na hard-earned money kaya hindi masyadong binibigyan ng halaga. 

“Easy come, easy go kasi yan,” reaksyon ni Diego na leading man ni Nadine Lustre sa pelikulang Greed

“They won and then, ‘Oh sige, isusugal ko ulit everything,’ and then they lose it. Parang when money comes easily, it’s not that important to you. Ang dali lang pumasok. 


“You spend it also in the same sense na parang wala lang siya. And I guess, greediness from me comes when it’s unappreciated, when it’s not that important, you always want more. 

“Parang kung may raket ka at mababa ang bigay sa ’yo, sana mas malaki. Then, what will happen is, hindi matutuloy yung raket. Kasi yung hinihingi mong budget was too big and you end up losing the whole thing, entirely,” paliwanag pa ng aktor. 

Read:Barbie Imperial clarifies she did not get back together with Diego Loyzaga: ‘Friends lang’

Sa final presscon ng Greed ay naikuwento rin ni Diego na minsan ay nanalo na siya ng malaking premyo sa sinalihang game show. 

“I did, quite a large amount before," sagot ni Diego. 

Dito na rin niya inamin na malaking pera na kanyang napanalunan ay ginamit niya sa isang investment na eventually ay nalaman niyang investment scam pala. Gusto lang daw niyang madagdagan pa ang kinitang pera kaya ipinagkatiwala niya ito sa mga taong nanghikayat sa kanyang mag-invest hanggang itakbo na ng mga ito ang kanyang pera. 

Kuwento ni Diego, “I acquired some money which I won. Ang ginawa ko, instead of keeping it, I invested it somewhere else, thinking na lalaki yung pera. What happened was I was scammed. They ran away with my money. So sadly, that's really greed.” 

Kwento pa ni Diego, dapat ay ibibigay niya ang nakuhang malaking pera sa isang tao na malapit sa kanya pero naisip niyang mas magandang gamitin muna ito sa isang investment. 

“Honestly, to be honest, of course, I wanted to keep some amount for me. But the most of it talaga, I was supposed to give it to somebody else. 

“What happened was, I invested the money thinking that it would be smarter, after a long period of time, lalaki siya. More for me and more also for that person I want to be given. Eh, ang nangyari, na-scam ako. I guess, do’n siguro talaga umiral si greed and in that scenario, I lost. I lost big time,” pagre-recall ng hunk actor sa nangyari. 

Read:Diego Loyzaga at Sue Ramirez, magsasama sa pelikula

Hindi na binanggit pa ni Diego kung saang TV game show siya nanalo ng malaking halaga. Sinabi na lang niya na sa “lotto” daw siya nanalo dati. 

“If I did win a ‘lotto’ again, I know I'll keep it and give it to the person. Keep my percent and that's it. Sometimes, you know, the contentment. Yon na nga, eh, you were given something, biyaya na iyon ng Diyos tapos hindi pa rin siya sapat sa ’yo. You want more and that's greed and you lose,” leksyon na natutunan daw niya sa nangyari. 

Samantala, dahil sa pinagdaanan ni Diego kaya siguradong naka-relate siya sa pag-portray ng isang ganid na karakter sa Greed na idinirek ni Yam Laranas na mapapanood sa Vivamax.