• Home
  • Fresh Scoops
  • ‘Maalaala Mo Kaya’ actress Charlie Dizon shares how she leveled up her acting as an OFW in the ‘My Dream Groom’ episode this month.

Charlie Dizon experiences long-distance love in ‘Maalaala Mo Kaya’

‘Maalaala Mo Kaya’ actress Charlie Dizon shares how she leveled up her acting as an OFW in the ‘My Dream Groom’ episode this month.

Charlie Dizon experiences long-distance love in ‘Maalaala Mo Kaya’-Rhea Manila Santos
BY
Rhea Manila Santos

Twitter: @allaboutmanila

FRESH SCOOPS

04/03/2022 09:28 AM
Charlie Dizon experiences long-distance love in ‘Maalaala Mo Kaya’
Photo credit: @charliedizon_ Instagram

Known as one of the best actresses of her generation, Charlie Dizon admitted there is always pressure whenever she takes on a new project even before she won Best Actress during the Metro Manila Film Festival for her film Fan Girl in 2020. This month, she breathes life to the story of an OFW nurse who finds love again after the getting over a nine-year relationship. Playing the role of her fiancé in the episode is Kiko Estrada.

“Hindi ko maitatanggi na nakaka-pressure siya talaga. Pero alam mo kahit naman nung wala pang award talagang nandun pa rin ang pressure na (kailangan) lagi kong galingan at lagi kong pagbutihin yung ginagawa ko. Kasi at the end of the day, ayokong may pagsisihan ako sa mga projects na ginawa ko. Parang gusto ko pag nag-look back ako magiging proud ako sa mga ginawa ko at talagang nabigay ko yung best ko. Kasi tinitingnan ko rin yung ibang projects ko dati. Alam kong ginawa ko naman yung best ko dun pero yun lang talaga yung alam ko nung panahon na yun eh. So lagi kong tinitingnan pa rin kung ano yung mga things na dapat kong i-improve para mas mabuti pa yung mga susunod ko pang gagawin,” she said.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by MMKOfficial (@mmkofficial)


LOOK: Charlie Dizon flaunts beach body in El Nido

Unlike her role as Rica Sicat in Viral Scandal, Charlie admits there is a big responsibility in playing a role based on a real life person.

“Sa totoo lang nakaka-pressure din kasi gusto kong maipakita talaga na na-portray ko yung character nung totoong tao as much as possible na yung close talaga sa nangyari sa kanila, yung emosyon niya. Siyempre hindi naman natin nakita yung totoong nangyari kumbaga doon sa totoong sitwasyon pero base sa mga sinulat nila sa kuwento, siyempre gusto ko ma-portray ng maayos talaga. And before namin shinoot yung MMK, nakausap talaga namin yung mga letter sender and mas lumalim yung pagkakaintindi ko dun sa character ng tao, kung ano yung pinaghuhugotan niya talaga and nanghingi din ako ng tips sa kanya, kung ano yung gusto niya makita sa akin pag pinortray ko yung pagkatao niya.

“For me, mahalaga yun kasi totoong buhay yung pinapakita mo eh and hindi siya basta basta naisulat o na-imagine ng iba. Kumbaga kailangan mo talaga magampanan at maipakita ng totoo as much as possible talaga. So for me nakaka-pressure siya pero ang saya pag na-accomplish mo yung trabaho na yun kasi madami ding ma-i-inspire na manunuod. Kasi yung ginagampanan ko mag-fiancé sila. Ikakasal na dapat sila. I’m sure madaming makaka-relate hindi lang bilang magkarelasyon kundi magpamilya. And yung sitwasyon na nangyari sa kanila, madaming nakaranas nun kasi COVID season yun eh. So I’m sure madaming makaka-relate, madaming ma-i-inspire, at gaganahang bumangon ulit,” she explained. 

READ: Joshua Garcia is impressed with new leading lady Charlie Dizon: ‘Best actress nga talaga siya’

Apart from giving her best in every project, Charlie said she tries to better herself as an artist after every role she portrays.

“Depende rin sa materyal na binibigay talaga. Minsan dun ko din na-ri-realize na may ganito akong kakayahan, may ganito akong side din pala, parang ganun. And depende rin sa mga nakakatrabaho ko.  Kasi kada trabaho ko ibang set din naman ng artists and ibang set din ng directors and ng production. I make sure na every time na may bagong set akong tinutungtungan, yung may bago akong matututunan. Yung tipong ay hindi ko ito alam dati ah, yung parang ganun. Nag-o-observe talaga ako. Yung before sa Viral Scandal sobrang na-challenge na ako sa Fan Girl. Pero nung ginawa ko yung Viral Scandal sobrang na-challenge pa ako (laughs). Tapos dun ko nakita talaga yung limits ko, yung kung ano pa yung mga hindi ko alam sa mga technical stuff ang dami ko pa ring hindi alam.

“Kasi kung tutuusin nakadami na rin ako ng ginawa pero iba iba yung set up parati. And dito sa Viral mas natutukan ko talaga lahat. Natutukan nila ako ng sobra. Siguro sinuwerte din ako na yung mga kasama ko sa Viral Scandal lahat passionate talaga, lahat may pakialam sa ginagawa nila sa role nila. So ikaw na mismo yung mahihiya na hindi maging passionate sa ginagawa mo. Ang tagal ko ng nag-aartista pero minsan na-mi-miss ko pa din yun. Hindi ko pa rin alam yung anggulo ko sa camera, yung mga ganung bagay. Parang hindi ko siya natatandaan dati. Parang bahala na lang siya dati. Pero ngayon na-realize ko na yung mga ganung bagay kailangan ko din tandaan para mas mapadali yung lahat ng trabaho. And siguro bawat ka-partner ko din iba iba din yung atake. Nag-se-share din sila ng mga experiences nila and from there natututo talaga ako. In terms of leveling up I just make sure na natututo pa rin ako sa lahat ng ginagawa ko,” she admitted. 

READ: Charlie Dizon, Lovi Poe nominated for best actress in 69th FAMAS

If she did not become an actress, Charlie admitted she would have entertained the possibility of becoming an OFW as well if there was a better opportunity abroad. 

“Actually sa totoo lang, kung madaming magandang opportunities sa bansa natin, mas pipiliin mo pa rin talagang tumira sa Pilipinas at makasama yung pamilya mo di ba? Pero minsan kailangan talaga, tawag na ng tadhana or ng sitwasyon na magtrabaho ka sa ibang bansa. So for me gagawin ko yun para sa pamilya ko. Gagawin ko talaga lahat and I think yun din yung kapareho ko dun sa character na ginampanan ko dito sa MMK,” she added.