• Home
  • Fresh Scoops
  • Masayang ibinahagi ni Bea Rose Santigao na naging matagumpay ang kanyang kidney transplant.

Bea Rose Santiago, sumailalim sa kidney transplant; pinasalamatan ang kapatid sa pag-donate ng kidney

Masayang ibinahagi ni Bea Rose Santigao na naging matagumpay ang kanyang kidney transplant.

Bea Rose Santiago, sumailalim sa kidney transplant; pinasalamatan ang kapatid sa pag-donate ng kidney-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

04/29/2022 09:19 AM
Bea Rose Santiago, sumailalim sa kidney transplant; pinasalamatan ang kapatid sa pag-donate ng kidney
Photo credit to @bea.santiago Instagram

Ilang taon ding ang inantay ng beauty queen at model na si Bea Rose Santiago bago ito nabigyan ng pagkakataon na sumailalim sa isang kidney transplant. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Bea Rose (@bea.santiago)

Matatandaang taong 2018 nang ikinuwento ni Bea na mayroon siyang chronic kidney disease. 


Kaya naman masaya nitong ibinahagi na naging matagumpay ang isinagawang kidney transplant sa kanya sa Toronto General Hospital sa Canada. 

Noong Disyembre ng nakaraang taon, ibinahagi ni Bea na nagsimula na siyang mag-dialysis matapos itong maranasan ang kidney failure. 

READ: Miss International 2013 Bea Rose Santiago, nagkaroon na ng kidney transplant

Sa isang Instagram post, ipinakita ni Bea ang mga litrato at video na kuha mula sa ospital. 

“New kidney, who this?” caption ni Bea sa kanyang Instagram post. 

Todo ang pasasalamat ni Bea sa lahat ng mga taong sumuporta sa kanya. 

Pinasalamatan din niya ang kanyang kapatid na siyang nag-donate sa kanya ng kidney at tinawag niyang “hero.” 

“Thank you to my baby brother’s love and bean I am changed. Thank you world for showing me kindness and patience and of course to my family, friends, and strangers for your support, countless prayers, and positive energy,” ani Bea. 

"Finally after the third time and three years of dialysis! I feel brand new! I feel loved and renewed!” saad pa niya. 

Tingnan ang post sa ibaba: 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Bea Rose (@bea.santiago)

Masaya naman ang mga kaibigan ni Bea kabilang na ang mga beauty queen na sina Pia Wurtzbach, Rachel Peters, Megan Young, at Katrina Dimaranan. 

“So brave!    what a woman! Congratulations Bea!!” sey ni Pia. 

“Yay!!! So happy for you and sending you love and strength as your recovery,” ani Rachel. 

“Wow, this is so beautiful! Sending prayers your way queen!” saad ni Katrina. 

Tinanghal si Bea Rose Santiago na Miss International noong taong 2013.