• Home
  • Fresh Scoops
  • Humataw si Angeline Quinto sa pagsayaw habang nasa pre-labor.

PANOORIN: Angeline Quinto, humataw sa pagsayaw habang nagpe-pre-labor

Humataw si Angeline Quinto sa pagsayaw habang nasa pre-labor.

PANOORIN: Angeline Quinto, humataw sa pagsayaw habang nagpe-pre-labor-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

04/28/2022 09:03 AM
PANOORIN: Angeline Quinto, humataw sa pagsayaw habang nagpe-pre-labor
Photo credit to @loveangelinequinto Instagram

Hindi pa nagpaawat ang Kapamilya singer na si Angeline Quinto sa kanyang kakulitan kahit nagdadalang-tao matapos itong humataw sa pagsayaw kamakailan. 

Sa isang bidyo na ibinahagi ni Angeline sa Instagram, ginulat niya ang kanyang mga followers na ang buong pag-aakala nila ay simpleng sayaw lamang lalo pa’t nasa pre-labor stage ito. 


Ibig sabihin, naghahanda na si Angeline sa paglabas ng kanyang anak sa kanyang non-showbiz boyfriend. 

Makikitang bigla na lang humataw si Angeline sa pagsayaw at tila hindi alintana ang kanyang pagbubuntis. 

Tuwang-tuwa ang mga artista gaya nina Jessa Zaragoza, Geneva Cruz, Vina Morales, at Carol Banawa kay Angeline o mas kilala bilang Angge sa kanyang malalapit na kaibigan. 

READ: Angeline Quinto, partner hold baby shower

Samantala, nagpahiwatig naman si Angeline sa isa pang Instagram post na handa na siyang manganak. 

“Ready to pop,” caption ni Angeline sa kanyang Instagram post. Makikita rin itong nakasulat din ang caption ng kanyang post sa kanyang tiyan. 

Nag-comment naman ang mga kaibigan at kasamahan ni Angeline sa industriya gaya nina KZ Tandingan, Bugoy Drilon, Dimples Romana, Arlene Muhlach, at Liezl Garcia na pinagdasal ang kanyang “safe delivery.” 

Unang ibinahagi ni Angeline ang tungkol sa kanyang pagbubuntis Disyembre noong nakaraang taon.