• Home
  • Fresh Scoops
  • Usap-usapan ngayon kung kasama nga ba si Rufa Mae Quinto sa cast ng upcoming Hollywood project na ‘Barbie’.

Rufa Mae Quinto, bahagi nga ba Hollywood movie na ‘Barbie’?

Usap-usapan ngayon kung kasama nga ba si Rufa Mae Quinto sa cast ng upcoming Hollywood project na ‘Barbie’.

Rufa Mae Quinto, bahagi nga ba Hollywood movie na ‘Barbie’?-Kiko Escuadro
BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

04/27/2022 08:29 PM
Rufa Mae Quinto, bahagi nga ba Hollywood movie na ‘Barbie’?
Photo courtesy @wbpictures Twitter (Left)

Usap-usapan ngayon sa social media ang sexy actress na si Rufa Mae Quinto na expected na magiging bahagi ng Barbie the movie.

Kasunod ito nang pagkakabilang ng pangalan ng Filipina comedienne sa listahan ng cast ng upcoming Hollywood movie starring Margot Robbie na mapapanood sa 2023.

Directed by Greta Gerwing, ilang Hollywood stars rin ang included sa cast gaya nila Ryan Gosling, America Ferrera, Simu Liu, Kate McKinnon, Ariana Greenblatt, Alexandra Shipp, Emma Mackey, Will Ferrell , Issa Rae, Michael Cera, Hari Nef, Scott Evans, Kingsley Ben-Adir, Emerald Fennell, Connor Swindells, Ncuti Gatwa, Rhea Perlman, Sharon Rooney, Ana Kayne, Ritu Arya and Jamie Demetriou.

Matatandaan na sa recent interviews ni Rufa Mae with PUSH, inamin nito na isa sa kaniyang ine-explore ang pagpasok sa Hollywood movies.

WATCH: Rufa Mae Quinto, pang-Hollywood na?

Ang Barbie ay produced ng Warner Brothers Pictures at kung matutuloy, ito ang first ever Hollywood stint ng Filipina comedienne na nakilala sa kaniyang sexy comedy film na Masikip Sa Dibdib at ang Booba.

Sa ngayon, wala pang confirmation galing mismo kay Rufa Mae kung kasama ng aba siya sa upcoming Hollywood film.