• Home
  • Fresh Scoops
  • Magkasama sina Wil Dasovich at Carla Humphries na pumunta sa isang sikat na tourist destination sa Los Angeles.

Litrato nina Wil Dasovich at Carla Humphries na magkasama, inusisa ng netizens

Magkasama sina Wil Dasovich at Carla Humphries na pumunta sa isang sikat na tourist destination sa Los Angeles.

Litrato nina Wil Dasovich at Carla Humphries na magkasama, inusisa ng netizens-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

04/27/2022 06:55 PM
Litrato nina Wil Dasovich at Carla Humphries na magkasama, inusisa ng netizens
Photo credits: @wil_dasovich on Instagram

Malaking katanungan ngayon sa mga netizens kung ano nga ba ang estado nina Wil Dasovich at Carla Humphries matapos ibahagi ng vlogger at online personality ang isang litrato kung saan makikitang magkasama sila. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Wil Dasovich (@wil_dasovich)

Kuha ang nasabing litrato sa sikat na tourist destination na Urban Light sa Los Angeles County Museum of Art sa Wilshire Boulevard. 


Tanging caption ni Wil: “Backyard tourists.” 

Bagama’t tila pumunta sila doon bilang magkaibigan lamang, hindi naman naiwasan ng ilang netizens na mang-usisa at itanong kung mayroon nga bang namamagitan sa dalawa. 

READ: Alodia Gosiengfiao confirms breakup with Wil Dasovich: ‘Some things are not meant to be’

Biro pa ng ilang netizens, ito na marahil ang “entry” ni Wil matapos ang inilabas kamakailan na litrato ng ex-girlfriend nito na si Alodia Gosiengfiao kasama ang lalaking nagngangalang Christopher Quimbo. 

Matatandaang tinapos nina Wil at Alodia ang kanilang tatlong taon relasyon Nobyembre noong nakaraang taon. 

“‘Di papatalo. #LabanWil,” ani pa ng isang netizen. 

Maging ang aktres na si Bianca King ay hindi napigilang itanong sa dalawa, “Is there something here?”

READ: Alodia Gosiengfiao says she has already moved on from split with Wil Dasovich: ‘Natanggap ko na’

Gayunpaman, may ilan ding dumepensa at sinabing matagal nang magkaibigan ang dalawa. 

Samantala, nag-post naman ang ina ni Wil sa kanyang Instagram account kung saan makikitang magkakasama sila nina Carla. 

Pagbabahagi ng ina ni Wil na si Charry, makakasama nila si Carla sa podcast ng kanyang anak na “Superhuman” bilang isang guest.