• Home
  • Fresh Scoops
  • Nakatanggap ng tumatagingting na 100,000 pesos si ‘Hipon Girl’ Herlene Budol mula kay Karen Davila.

Karen Davila, binigay ang P100,000 na kinita sa pagva-vlog tungkol kay ‘Hipon Girl’ Herlene Budol

Nakatanggap ng tumatagingting na 100,000 pesos si ‘Hipon Girl’ Herlene Budol mula kay Karen Davila.

Karen Davila, binigay ang P100,000 na kinita sa pagva-vlog tungkol kay ‘Hipon Girl’ Herlene Budol-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

04/26/2022 05:40 PM
Karen Davila, binigay ang P100,000 na kinita sa pagva-vlog tungkol kay ‘Hipon Girl’ Herlene Budol
Photo credits: @herlene_budol on Instagram

Malaki ang pasasalamat ni Herlene Budol o mas kilala bilang “Hipon Girl” kay Karen Davila matapos nitong makatanggap ng P100,000 mula sa ABS-CBN broadcast journalist. 

Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Herlene ang isang litrato kung saan makikitang kasama niya si Karen at isa naman na nagpapakita ng isang deposit slip kung saan makikita ang pera na nagkakahalaga ng 100,000 pesos. 


Ani Herlene, walang tigil ang kanyang pag-iyak sa natanggap niyang sorpresa mula kay Karen. Ito umano ang regalo ni Karen sa kanya dahil sa pagkakapasok niya sa Binibining Pilipinas pageant ngayong taon. 

READ: Herlene Budol on becoming a beauty pageant contestant: ‘Masaya na may halong kabado ang Hipon Girl nyo!’

“Isang malaking karangalan po uli yung nag Congratulate si Mam Karen Davila sa pag pasok ko sa Binibining Pilipinas 2022 at eto pa ang surpresa nya sa akin mga KaHipon at hanggang ngayon walang tigil iyak ko,” ani Herlene. 

READ: Herlene Budol has no plans to learn English for Binibining Pilipinas: ‘Wikang Filipino po ang gagamitin ko’

Pagbabahagi ni Herlene, ang pera umanong ito ang kinita ni Karen mula sa nagdaang interview niya sa brodkaster na inilabas noong ika-2 ng Abril. 

“Ibinigay po nya sa akin yung earnings sa YouTube nya nung ininterview nya sa akin nakaraan April 2 sa halagang 100,000 pesos po bago ako nag register ng Binibining Pilipinas na umabot ng 2.2M views,” saad ni Herlene. 

Plano naman umano ni Herlene ibigay ang pera na natanggap niya mula kay Karen sa kanyang Nanay Bireng at Tatay Oreng lalo pa’t bawal umano siyang tumanggap ng trabaho o endorsement sa susunod na tatlong buwan base sa patakaran ng Binibining Pilipinas. 

READ: ‘Hipon Girl’ Herlene Budol hopeful to make it into Binibining Pilipinas: ‘Thank you mga KaSquammy!’

“Mam Karen, God bless you more po at malaking tulong po eto para sa aking pamilya at ibibigay ko po eto kay Nanay Bireng at Tatay Oreng ko dahil 3 mons ako bawal mag tanggap ng trabaho at endorsement sa policy ng Binibining Pilipinas,” aniya.  

Dagdag pa niya: “Kaya umaasa nalang din ako ng income sa YouTube Channel ko sa pag pa vlog!”

Hinikayat naman ni Herlene ang kanyang mga followers na panoorin ang vlog at suportahan ito. 

“Mga KaSquammy sa mga indi pa naka panood ng interview ko po kay Mam Karen e ilagay ko sa comment section ang link. Salamat kay Sir Wilbert Tolentino at Pinakilala mo sa akin si Mam Karen Davila,” sey pa niya.