• Home
  • Fresh Scoops
  • Mayroon bang nagpapasaya sa puso ni Sharlene San Pedro ngayon?

Sharlene San Pedro, in love ba ngayon?

Mayroon bang nagpapasaya sa puso ni Sharlene San Pedro ngayon?

Sharlene San Pedro, in love ba ngayon?-Leah Bueno
BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

04/25/2022 04:59 PM
Sharlene San Pedro, in love ba ngayon?

Mayroon bang nagpapasaya sa puso ni Sharlene San Pedro ngayon?

Ito ang tanong ng host na si Gary Ann Lastrilla nang mag-guest ang aktres sa April 22 episode ng talk show na PUSH Bets Live.

Natatawang sagot ni Sharlene: "Hindi ko pa po masabi. Pero 'yan po talaga ang pinaka-iniiwasan kong tanong."

Paliwanag niya: "Sa tingin ko, 'yung sa in love side, lagi kong kini-keep 'yun talaga na private kasi ayaw kong parang mapaghalo siya [sa showbiz career ko]. So kung in love man ako ngayon or hindi, it's for them to find out. Parang ganon po."

Matatandaang huling na-link si Sharlene sa kanyang Happy Times co-star na si Ricci Rivero, na in a relationship ngayon sa teen actress na si Andrea Brillantes. 

READ: Sharlene San Pedro lambasts Xian Gaza for spreading ‘fake news’ about her and Ricci Rivero

Dati na ring na-link si Sharlene sa kapwa child star at Goin' Bulilit graduate nito na si Nash Aguas. Si Nash ay mahigit tatlong taon nang dine-date ang Kapamilya-turned-Kapuso artist na si Mika dela Cruz.

Samantala, bukod sa kanyang love life ay natanong din si Sharlene tungkol sa kanyang buhay bilang isang online game streamer. 

"Actually before naman I'm into mobile games talaga. Pero nung nag-pandemic kasi syempre parang mag-iisip ka kung anong gagawin mo, nakakulong ka lang sa bahay. So aside sa nagpo-post ako ng vlogs nun, naisipan ko, bakit hindi ako mag-live streaming?" kwento ng aktres, na mayroon nang higit sa 2.1 million followers sa Facebook. 

"Bago ako mag-live streaming, inisip ko muna kung anong laro kasi nakakahiya naman pumasok sa isang gaming community kung hindi mo alam 'yung laro. ... Pero nung pumasok ako, medyo may alam naman na ako, so hindi na siya nakakahiya. Kaya feeling ko din ay nag-stay 'yung mga viewers, kasi bukod sa naglalaro ako, nilagyan ko ng onting fun side ['yung live streams ko]."

Bukod pa rito ay nagkwento rin ang aktres tungkol sa kanyang bagong labas na awitin na pinamagatang "Running."

"Ang kantang po ito ay tungkol po sa love, na parang gusto mo na lang mag-stay doon sa memory na 'yun kaso parang wala na. Parang you're running out of time. Gusto mong bumalik pero hindi na pwede," paliwanag ng aktres.  

"Ito pong 'Running' ay written and produced by Sir Monty Macalino ng Mayonnaise. Bumalik po ako sa dati kong management, 'yung YR Music. Nag-rebrand po sila last year at nag-launch ng bagong roster nila. And I'm very lucky na napasali po ako doon at napasama po ako doon."

Mapapanood ang buong panayam kay Sharlene dito: 

Ang PUSH Bets Live ay isang weekly online show na mapanood sa PUSH at ABS-CBN Facebook pages pati na sa push.com.ph.