• Home
  • Fresh Scoops
  • Sean de Guzman on his new movie ‘Fall Guy’: ‘Parang sobrang bigat ng role na ibinigay sa akin.’

Sean de Guzman faces new challenge as a dramatic actor in Joel Lamangan’s ‘Fall Guy’

Sean de Guzman on his new movie ‘Fall Guy’: ‘Parang sobrang bigat ng role na ibinigay sa akin.’

Sean de Guzman faces new challenge as a dramatic actor in Joel Lamangan’s ‘Fall Guy’-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

04/25/2022 04:47 PM
Sean de Guzman faces new challenge as a dramatic actor in Joel Lamangan’s ‘Fall Guy’

Malaking challenge sa sexy actor na si Sean de Guzman ang pelikulang Fall Guy ni Direk Joel Lamangan na kasalukuyang sinusyuting sa Angeles, Pampanga. Hindi na kasi sexy scenes ang focus ng pelikula kundi ang kakayahan ni Sean na maging dramatic actor.

“Ang pinagkaiba po ng pelikulang ito sa lahat ng mga nagawa ko po, noong binabasa ko pa lang po ang script, parang kinakabahan na ako sa mga mangyayari. Kumbaga, parang nagda-doubt ako sa sarili ko. Na parang… makakaya ko ba yon?

“Parang sobrang bigat ng role na ibinigay sa akin. Kaya kailangan ko po talagang pag-igihan at ayusin ko po yung performance ko po.


“Ang pelikula pong ito, kakaiba po siya. Sobrang bigat po siya, as in. Sobrang layo ng role ko dito dun sa ibang ginawa kong projects,” salaysay ni Sean sa PUSH.

READ: Sean De Guzman on working with director Joel Lamangan: ‘Nasigawan na ako at napagalitan’

Tumatak ang pangalan ni Sean sa showbiz dahil mapangahas na role niya sa kanyang launching movie na Anak Ng Macho Dancer na idinirek din ni Joel Lamangan. Nasundan pa ito ng Lockdown at mga pelikula ng Vivamax na Nerisa, Taya, Mahjong Night, Hugas, at Island of Desire.

Sabi ulit ni Sean, “Susubukan ko namang tumawid sa pagiging dramatic actor. Gusto ko lang din ng growth as an actor at mag-explore pa ng iba-ibang roles na kaya ko pang gawin. Ayoko lang ding i-limit ang sarili ko. Gusto kong masubukan lahat para mas marami pa akong matutunan.”

Malaki naman ang tiwala ni Direk Joel na kakayanin ni Sean ang role na hinihingi sa bagong pelikula.

“Noon pa naman, nung nakatrabaho ko si Sean sa una niyang pelikula ay alam kong malayo talaga ang mararating niya bilang aktor. Hindi ko kailanman pinagdudahan ang kanyang kakayahan. Ako ang sumama kay Sean sa kanyang pagbibiyahe bilang aktor. Sa aking pelikula siya unang-unang nakita.

“Bakit ko siya pinili? Dahil nakitaan ko siya ng husay sa pag-arte. Nakitaan ko siya ng intrinsic quality ng isang mahusay na aktor na puwede pang ma-develop bilang pangunahing aktor ng ating industriya. Iyan ang nakita ko kay Sean,” katwiran ng award-winning director.

“Ito po ang pelikula na siya talaga ang magdadala. Siya ang tatanghaling best actor sa mga susunod na panahon!” dagdag pa ni Direk Joel.

READ: Christine Bermas and Sean De Guzman reveal receiving indecent proposals: ‘Nag-o-offer ng mga pera, mga sasakyan, bahay’

Suportado si Sean sa Fall Guy nina Glydel Mercado, Shamaine Buencamino, Tina Paner, Jim Pebanco, at Vance Larena. Kasama rin sa cast ng pelikula sina Cloe Barreto, Marco Gomez, Quinn Carrillo, Karl Aquino, Pancho Carrillo, Mark Cardona, Tiffany Grey, Azekah Alvarez, Nisa Ortiz, Hershie de Leon, at Ethan Rosales.

Tatalikuran na ba ni Sean ang pagpapaseksi?

“Hindi naman po sa ganun. Willing pa rin naman naman po akong tumanggap ng mga ganung klaseng role but for the meantime po gusto ko naman ding i-challenge ang sarili ko sa drama,” tugon ng aktor.

Ang Fall Guy ay istorya ng isang social climber influencer na naging biktima ng kawalan ng hustisya sa bansa dahil sa kanyang estado sa buhay. Isinulat ito ni Troy Espiritu. Producer naman ng pelikula sina Len Carillo ng 3:16 Media Network at John Brian Diamante ng Mentorque Productions.