• Home
  • Fresh Scoops
  • Excited ang pageant fans sa pagbisita ni reigning Miss Universe Harnaaz Sandhu sa Pilipinas.

Pilipinas, extra special kay Miss Universe 2021 Harnaaz Sandhu

Excited ang pageant fans sa pagbisita ni reigning Miss Universe Harnaaz Sandhu sa Pilipinas.

Pilipinas, extra special kay Miss Universe 2021 Harnaaz Sandhu-Kiko Escuadro
BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

04/25/2022 03:10 PM
Pilipinas, extra special kay Miss Universe 2021 Harnaaz Sandhu
Photo credit to @arch_richellesingson Instagram

Dumating na sa Pilipinas si Miss Universe 2021 Harnaaz Sandhu ng India.

Mula sa Mumbai, India, lumapag sa Manila International Airport ang reigning Miss Universe sakay ng private plane ng businessman na si Luis Chavit Singson na kasama rin sa pagsundo sa reigning queen.

Pilipinas, extra special kay Miss Universe 2021 Harnaaz Sandhu


Pilipinas, extra special kay Miss Universe 2021 Harnaaz Sandhu

Kasama rin ang anak ni Singson na si Richelle Singson sa mga personal na sumundo kay Miss India na dadalo sa coronation night ng Miss Universe Philippines ngayong April 30, sa Mall of Asia Arena.

RELATED LINK: Miss Universe 2021 Harnaaz Sandhu to attend Miss Universe Philippines pageant

Extra special para sa reigning Miss Universe ang kaniyang pagbisita sa Pilipinas dahil ito ang kaniyang unang bansang binisita simula nang koronahan siya bilang Miss Universe.

“This is my first country visit after India. I am so thrilled and electrified to go there and meet the contestants,” pahayag ng Miss Universe 2021 sa Instagram story ng Miss Universe account.

Bukod kay reigning Miss Universe, expected rin ang reunion ng three former Miss Universe na sina Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, Miss Universe 2016 Iris Mittenaere, and Miss Universe 2017 Demi Leigh Nel Peters Tebow.

READ: Pia Wurtzbach, Demi-Leigh Tebow, and Iris Mittenaere to host Miss Universe Philippines 2022

Sa ngayon, kabi-kabilang media engagement ang haharapin ni Harnaaz bago ang coronation night ng Miss Universe Philippines.