Francine Diaz, natupad na ang pangarap na room makeover para sa bagong bahay

May pa-makeover na ang kwarto ni Francine Diaz.

Francine Diaz, natupad na ang pangarap na room makeover para sa bagong bahay-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

04/25/2022 09:55 AM
Francine Diaz, natupad na ang pangarap na room makeover para sa bagong bahay
Screenshot from Karen Davila YouTube Channel

Naisakatuparan ni Francine Diaz ang kanyang pangarap na ipa-makeover ang kwarto nila sa kanilang bagong bahay.  

Nakasama ni Francine ang ABS-CBN broadcast journalist na si Karen Davila sa pamimili ng mga gamit para sa kwarto niya. Ito na lang ang tanging kwarto na hindi pa napapaayos ni Francine. 

READ: Francine Diaz recalls her journey in showbiz: ‘Parati kami nangungutang ng pamasahe’


Samantala, ang bahay naman ni Francine ay ipinatayo mismo ng teen star para sa kanyang pamilya gamit ang ipon niyang pera mula sa kanyang pagtatrabaho. 

Nagpunta sila sa sikat na shopping store sa Pasay City. 

Bumili si Francine ng double decker bed para sa kanyang mga kapatid, study table na may kasamang dalawang upuan, kurtina, bed covers, at linens. 

Panoorin ang bidyo sa ibaba: 

Maliban sa pamimili ng mga gamit, napag-usapan din ang ibang aspeto ng buhay ni Francine gaya ng pagiging masinop ni Francine sa pera at ang mga aabangang proyekto mula sa kanya. 

Napanood si Francine sa iba’t-ibang Kapamilya teleserye gaya ng Be My Lady, We Will Survive, Ikaw Lang ang Iibigin, at The Blood Sisters

READ: Francine Diaz buys a house and car for her family

Ngunit isa sa pinakamalaking proyekto ni Francine ang Kadenang Ginto na nagbigay daan sa kanyang kasikatan ngayon.