• Home
  • Fresh Scoops
  • Nagbukas na ang surf shop at snack bar sina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo sa Siargao.

Andi Eigenmann, Philmar Alipayo binuksan na ang surf shop at snack bar sa Siargao

Nagbukas na ang surf shop at snack bar sina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo sa Siargao.

Andi Eigenmann, Philmar Alipayo binuksan na ang surf shop at snack bar sa Siargao-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

04/25/2022 08:58 AM
Andi Eigenmann, Philmar Alipayo binuksan na ang surf shop at snack bar sa Siargao
Photo credit to @kanaway.surfschool Instagram

Ibinahagi ni Andi Eigenmann na binuksan na nila ni Philmar Alipayo ang kanilang surf shop at snack bar sa Siargao na matagal na nilang pinapangarap. 

Inanunsyo ni Andi sa isang post sa kani-kanilang Instagram pati na sa Instagram account ng Kanaway Surf School. 

Present din ang kanilang mga kaibigan sa pagbubukas ng nasabing establisyemento. 


Ilan sa mga pagkaing pwedeng mabili dito ang avocado shake, iced coffee, at chicken Caesar sandwich.

Una nang ibinahagi ni Andi sa isang vlog ang tungkol sa nasabing negosyo ng kanyang asawa. 

“We are spending the morning here while waiting for papa who’s busy there working because finally, he’s been dreaming of putting up a surf school and a surf shop. Ngayon, nag-partner up na siya with Mang Carding of Kanaway Surf School,” ani Andi. 

READ: Andi Eigenmann to return to Siargao with her family

Pagbabahagi pa niya, sinakto talaga nila ang pagbubukas nito para sa gustong mag-surf at magbakasyon sa Siargao ngayong summer. 

“So they are going to open Kanaway together this time and prepare the shop in time for you guys this summer,” saad ni Andi. 

Ayon pa sa vlogger at aktres, makakatulong din ito sa mga pangkabuhayan ng mga tao sa Siargao. 

“It would be obviously such a great help to the surfing instructors here kasi ang source of livelihood ng karamihan dito ay tourism,” ani Andi. 

Maliban sa pagiging professional surfer, hands-on din si Philmar sa pagtuturo sa kanyang mga anak na sina Lilo, Koa, at maging si Ellie kung paano mag-surf. 

READ: Andi Eigenmann reflects on living away from Siargao: ‘My kids know for sure this is not home’

Naninirahan sa isla ng Siargao ang pamilya ni Andi.