• Home
  • Fresh Scoops
  • Noong Sabado, April 23, ay kinonpirma ni Jake Cuenca na hiwalay na sila ni Kylie Verzosa.

Kylie Verzosa, umiiwas pa din sa mga tanong tungkol sa hiwalayan nila ni Jake Cuenca

Noong Sabado, April 23, ay kinonpirma ni Jake Cuenca na hiwalay na sila ni Kylie Verzosa.

Kylie Verzosa, umiiwas pa din sa mga tanong tungkol sa hiwalayan nila ni Jake Cuenca-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

04/24/2022 12:26 PM
Kylie Verzosa, umiiwas pa din sa mga tanong tungkol sa hiwalayan nila ni Jake Cuenca
Photo credit: @kylieverzosa and @juancarloscuenca Instagram

Kahit nakiusap na ang beauty queen-turned-actress na si Kylie Verzosa sa umattend na press sa simula pa lang ng presscon ng pelikulang Ikaw Lang Ang Mahal held last Friday sa Le Reve Events Place na huwag nang ungkatin ang tungkol sa balitang hiwalayan nila ng kasintahang si Jake Cuenca ay gumawa pa rin ng paraan ang ilang showbiz press para usisain kung ano ba talaga ang pinagdadaanan ng dalaga.

Kumusta na nga ba ang status o ang lagay ng puso ni Kylie ngayon? Ito ang tanong kay Kylie ng kaibigang reporter mula sa table namin.

“Ako po I’m getting better every day,” sagot ni Kylie na sinundan ng isang makalutong na halakhak. “Yung totoo, I’m getting better every day, lumalakas everyday kasi alam mo naman yon nag-e-exercise tayo. Mahilig kasi akong mag-exercise kaya mas lumalakas ang puso ko,” dagdag na pahayag ng Ikaw Lang Ang Mahal lead star.


READ: Kylie Verzosa on rumored breakup with Jake Cuenca: ‘Huwag niyo na lang tanungin’

May nagsabi na ba sa kanya ng “ikaw lang ang mahal” pagkatapos ng kanyang “failed relationship” with his former Los Bastardos co-actor?

“Hindi ko po naintindihan yung tanong,” paiwas niyang sagot na sinundan din naman niya kaagad ng, “Hindi ko po talaga siya matatawag na failed relationship.”

Hirit pang tanong sa kapareha ni Zanjoe Marudo: Eh di ba nag-break na kayo? Kayo pa rin?

Saglit na natigilan si Kylie at hindi na niya sinagot ang tanong.

Segue na tanong ng reporter: Naniniwala ka bang mahal ang magmahal?

“Importante po ang magmahal. Hindi ko siya kinokonsider na gastos kasi mahal ko yung tao,” tugon ni Kylie dito.

Para maikonek sa title ng pelikula ay tinanong din si Kylie kung kanino ba niya unang sinabi ang “ikaw lang ang mahal.”

“Una kong sinabihan romantically, siguro nung ako, mga padulo na ng college ko, yung una ko pong boyfriend. Siya yung sinabihan ko ng ikaw lang yung mahal ko,” sambit niya.

Eh, ngayon kanino niya ito sinasabi?

“Ang sarili ko—siguro ikaw lang ang mahal ko! Kailangan mo kasi… Oo, sinabihan ko ang sarili ko na ikaw lang ang mahal ko…” sabi ulit ng former Miss International.

Nagbigay din ng pahayag si Kylie kung ano ang natutunan niya sa karakter na ginagampanan niya sa movie na mapapanood sa Vivamax sa Mayo.

“Ang natutunan ko po kay Lira, siguro may mga pagmamahal na wala sa tamang panahon. Siguro puwede mong mahalin ang isang tao pero mali ang…  you know, the right love at the wrong place and wrong time,” deklara ni Kylie.

Samantala, nagsalita na si Jake tungkol sa kanilang hiwalayan sa pamamagitan ng mga post sa kanyang Instagram account.

READ: Jake Cuenca confirms breakup with Kylie Verzosa: ‘We didn’t want to break up in anger’

Ayon sa actor sa kanyang post noong Sabado, April 23, “I’ll hold on to all our precious memories together with so much value. This past 3 years of my life have certainly been the best. I say this with such a heavy heart but me and Kylie have decided to go our separate ways. I’m still so proud of us because we didn’t want to break up in anger we both wanted to be able to look back on our relationship with no bitterness no anger and no regrets only the good memories. certainly that’s what I will be holding on to.”