• Home
  • Fresh Scoops
  • Na-late sa syuting nung minsan sina Sharon Cuneta, Judy Ann Santos, Vilma Santos, at Nora Aunor kaya sila natalakan ni Direk Joel Lamangan

Sharon Cuneta, Judy Ann Santos, Vilma Santos, at Nora Aunor nakatikim ng talak noon kay Direk Joel Lamangan

Na-late sa syuting nung minsan sina Sharon Cuneta, Judy Ann Santos, Vilma Santos, at Nora Aunor kaya sila natalakan ni Direk Joel Lamangan

Sharon Cuneta, Judy Ann Santos, Vilma Santos, at Nora Aunor nakatikim ng talak noon kay Direk Joel Lamangan-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

04/23/2022 12:59 PM
Sharon Cuneta, Judy Ann Santos, Vilma Santos, at Nora Aunor nakatikim ng talak noon kay Direk Joel Lamangan

Galit at naiinis ang multi-awarded director na si Joel Lamangan kapag nale-late ang kanyang mga artista sa shooting ng pelikula o taping ng teleserye. Ayaw din niya sa mga artistang walang respeto sa production staff na nakakatrabaho nila sa set.

Ayon sa premyadong director, hindi dapat na lumalagpas sa call time ang pagdating ng mga artista. Mas naa-appreciate daw niya na before call time ay nando’n na ang artista at napag-aralan na nito ang mga linya ng bawat eksenang gagawin.

“Ayoko talaga nang late! Ayaw ko no’n. Walang karapatan na mag-antay ang 150 people sa isang tao. Kaya dapat on time. Cost ng production yon pag nale-late. Hindi dapat!” talak ni Direk Joel sa ginanap na storycon ng bago niyang pelikulang Fall Guy na pinagbibidahan ni Sean de Guzman.


BASAHIN: Sean De Guzman on working with director Joel Lamangan: ‘Nasigawan na ako at napagalitan’

Maging ang malalaking artista sa industriya ng showbiz ay minsan na rin daw niyang natalakan noon.

“Talagang makakarinig ka sa akin kung sino ka man! Si Nora (Aunor), si Vilma (Santos), si Sharon (Cuneta), kung sino man, si Juday (Judy Ann Santos). Lahat yan nakarinig sa akin kapag nale-late.

“Hanggang sa pinakamaliit na tao sa set dapat iginagalang ng artista. Dapat marunong siyang makisama sa lahat. Kung hindi, palalayasin ko siya sa set. Ginagawa ko talaga yan,” pahayag ni Direk Joel.

Naging direktor ni Sharon Cuneta si Direk Joel sa mga pelikulang Ikaw, Magkapatid, at Mano Po 6.

Sa pelikulang Sabel naman naidirek ni direk si Judy Ann kung saan nanalo ito ng dalawang best actress award. Naging magkatrabaho din ang dalawa sa Magkapatid.

Si Nora Aunor ay isa rin sa madalas makatrabaho ni Direk Joel. Nagkasama sila sa The Flor Contemplacion Story na nagbigay ng iba’t ibang parangal sa Superstar. Huli silang nagkasama sa Metro Manila Film Festival movie na Isa Pang Bahaghari.

Sa Mano Po 3 ng Regal Entertainment ay nagkaroon din ng chance ang veteran director na maidirek si Vilma Santos.

BASAHIN: Joel Lamangan calls out younger directors: ‘Mga bago pa lang mayayabang na’

May pakiusap naman si Direk Joel na huwag matakot sa kanya ang mga artistang hindi pa niya nakakatrabaho dahil sa image niya ng pagiging terror.

“Hangga’t hindi ko pa sila nakakatrabaho, wala silang karapatan na tawagin akong terror. So, sana huwag nilang paniwalaan agad yan.

“I just become a terror to those who are not responsible and do not fulfill their duties as actors in the film. Those who don’t know what they’re doing or refuse to know what they are doing.

“Galit ako sa palaging late or those who make people wait, parang si Queen Elizabeth. I’d really reprimand them and correct their attitude. Lalo na ang mga artistang masama ang pagtingin sa maliliit na trabahador sa pelikula.

“Ayaw na ayaw ko noon. Talagang sinasabihan ko sila. That’s why I’ve been called terror because I’ve been telling actors what they should not be doing. Maybe that’s why they’re angry. Kapag ang artista ay preparado at alam naman nila ang kanilang ginagawa, kapag may mga tanong sila sa akin bago nila gawin ang eksena, wala naman silang maririnig sa akin,” tuloy-tuloy niyang paliwanag.

Samantala, kasalukuyan ng nagsusyuting si Direk Joel at Sean ng Fall Guy. Kasama rin sa cast ng  pelikula sina Glydel Mercado, Shamaine Buencamino, Vance Larena, Cloe Barreto, Quinn Carillo, Marco Gomez, Karl Aquino, Jim Pebanco, Pancho Carrillo, Mark Cardona, Tiffany Grey, Azekah Alvarez, Nisa Ortiz, Hershie de Leon, at Ethan Rosales.

Fall Guy is produced by 3:16 Media Network and Mentorque Productions.