• Home
  • Fresh Scoops
  • Revelation rin ni Ria Atayde, attractive si Joshua Garcia para sa kaniya.

Ria Atayde clears up relations rumors with Joshua Garcia: ‘We are better off as friends’

Revelation rin ni Ria Atayde, attractive si Joshua Garcia para sa kaniya.

Ria Atayde clears up relations rumors with Joshua Garcia: ‘We are better off as friends’-Kiko Escuadro
BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

04/23/2022 01:20 PM
Ria Atayde clears up relations rumors with Joshua Garcia: ‘We are better off as friends’
Photo credit: @ria and @garciajoshuae Instagram

Game na game na sinagot ng Kapamilya star na si Ria Atayde ang naging mga tanong ng entertainment press sa hindi pa rin natitigil na relationship rumors sa pagitan niya at ng aktor na si Joshua Garcia.

Sa naganap na advance screening ng iWant TFC Mother’s Day series na Misis Piggy, hindi nakaiwas si Ria nang hingin ang mga detalye sa tila naging malalim nilang pagkakaibigan ni Joshua.


“Well feel ko kasi we laugh about it talaga at this point. It’s Josh. He’s such a dear friend to me and I feel like it’s nice to know that we are as comfortable as we are with one another,” tugon ni Ria sa press.

READ: Joshua Garcia greets ‘rumored girlfriend’ Ria Atayde on her birthday

Para kay Ria, mas masasabi niya na kasunod nang naglalabasang mga issue ay mas lumalim pa ang closeness nila ng aktor.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Ria Atayde (@ria)

“Mas na-reassure ako na he’s everything. Rumored boyfriend ko nag daw siya pero mas nare-reassure ako sa lalim ng friendship namin for us to withstand the rumors and all. Whatever people throw at us, parang kampante ako that we could be friends forever,” ani Ria.

Matatandaan na ilang beses nang spotted magkasama sina Joshua at Ria na ilan lang sa malalapit na kaibigan ni Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na kabilang rin sa El Nido trip ng couple.

LOOK: Kathryn Bernardo's laidback 26th birthday celebration in El Nido, Palawan

Masasabi rin na malapit sa pamilya Atayde si Joshua nang minsan magkasama si Joshua at Sylvia Sanchez na ina ni Ria sa Kapamilya series na The Greatest Love.

Pero aminado si Ria na never niyang ide-deny na attractive si Joshua para sa kaniya.

“Josh was an attractive guy, he’s just really younger and for me it’s such a alam niyo ‘yon? I’m 30 and Josh is what turning 25 pa lang,” masayang sambit ni Ria.

Para kay Ria, alam rin niya secure ang friendship niya kay Joshua.

“I mean I get it, Josh is an amazing guy tama rin naman pero some people are better off as friends kasi that way. Mas secure ka na hindi mo siya mawawala in your life so I guess that’s it na lang rin na we’re better off as friends so at least I know I can keep him forever.”

Sa ngayon, abala si Ria kasama ang inang si Sylvia at iba pang cast ng Misis Piggy na mapapanood sa iWant TFC stating April 28.