• Home
  • Fresh Scoops
  • Nanatili pa rin ang magandang samahan ni Kyle Echarri sa mga kaibigan sa gitna ng maiinit na issues.

Kyle Echarri, apektado nga ba sa issue ng Gold Squad?

Nanatili pa rin ang magandang samahan ni Kyle Echarri sa mga kaibigan sa gitna ng maiinit na issues.

Kyle Echarri, apektado nga ba sa issue ng Gold Squad?-Kiko Escuadro
BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

04/23/2022 12:06 PM
Kyle Echarri, apektado nga ba sa issue ng Gold Squad?

Pagiging solo artist ang focus ngayon ng Kapamilya star na si Kyle Echarri na isa sa malalapit na kaibigan nina Andrea Brillantes, Seth Fedelin, at Francine Diaz.

Kuwento ni Kyle, maraming upcoming project under Dreamscape Entertainment ang naka line-up sa kaniya ngayon as a solo artist.

“I have a very exciting project later on this year na may kasama akong tao na sobrang mahalaga sa akin basta ‘yun lang muna puwede ko sabihin. Can’t say it yet but, very soon malalaman niyo na rin,” kuwento ni Kyle sa naganap na advance media screening ng iWant TFC series na Misis Piggy starring Sylvia Sanchez.


Kuwento pa ni Kyle sa media, focusing on his own path ang kaniyang tinatahak ngayon.

“Yes. I’m really focusing on myself right now. Whatever projects, my Dreamscape family, whatever they give me, all different kinds of roles. And at least I am happy; I am doing what I’ve been trying to do for a while and just focusing on my own career and make myself happy.”

Aminado si Kyle na nangamba siya sa tatahakin na karera bilang isang aktor.

“Well siyempre nakakatakot po kasi siyempre nasanay po ako na nasa iisang love team. But I’d like to count my blessings and take it day by day and not to pressure myself on every project or in a love team and certain fame. Because what a lot of people like to do is to compare themselves with whatever this person is doing. I’m really focused on trying to do my own path.”

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Kyle Echarri (@kyleecharri)

Matatandaan naman na kamakailan lang, hot topic sa social media ang tila hidwaan sa pagitan ng mga kaibigan na sina Andrea, Seth, at Francine na napanood noon sa hit Kapamilya series na Kadenang Ginto.

Bilang malalapit na kaibigan, hindi nakaiwas si Kyle sa tanong ng entertainment press kung paano nga ba siya nag-react dito.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Kyle Echarri (@kyleecharri)

“Siyempre mahirap. Kahit papaano maririnig at maririnig mo e’, but I am trying my best not to be part of it kahit na sinasali ako sa mga ganun. But like I said ang important, okay kamiing apat more than anything at kahit ano pa ang sabiihin ng ibang tao, basta okay kami sa isa’t isa ‘yun ang mahalaga,” tugon ni Kyle.

Ayon pa kay Kyle, on speaking terms pa rin sila nina Andrea, Seth, and Francine kahit na mainit ang issue sa pagitan ng tatlong kaibigan.

“Oo naman po. Okay naman po kaming apat. ‘Yun nga I actually said this in an interview before na kahit na magkagulo man kami sa internet, kahit na ano ang mga sinasabi ng mga tao, ang mahalaga sa aming apat ay okay kaming apat and ‘yun ang mahalaga sa amin apat,” pahayag ng Kapamilya star.