• Home
  • Fresh Scoops
  • Hindi talaga inaasahan ni Vince Rillon na mauuwi niya ang Best Actor award mula sa international film festival.

Vince Rillon sa pagkapanalo ng Best Actor award sa 19th Asian Film Festival: ‘Na-shock po talaga ako’

Hindi talaga inaasahan ni Vince Rillon na mauuwi niya ang Best Actor award mula sa international film festival.

Vince Rillon sa pagkapanalo ng Best Actor award sa 19th Asian Film Festival: ‘Na-shock po talaga ako’-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

04/22/2022 05:41 PM
Vince Rillon sa pagkapanalo ng Best Actor award sa 19th Asian Film Festival: ‘Na-shock po talaga ako’
Photo Credit: @vince_rillon on IG

Tinanghal na best actor si Vince Rillon sa katatapos lang na 19th Asian Film Festival na ginanap sa  Cinema Farnese, Campo De Fiori, Rome noong April 12. Ito ang kauna-unahang international acting award ni Vince na nanalo sa pagganap niya bilang batang magnanakaw sa pelikulang Resbak na idinirek ni Brillante Mendoza. 

Ayon sa kuwento ni Vince sa PUSH at sa ilang entertainment press sa ginanap na virtual mediacon para sa pelikulang Kaliwaan, sinamahan lang niya sa Rome si Direk Brillante nang tatanggap ito ng lifetime achievement award mula sa festival committee. 

Sa pagkakaalam ni Vince, tatanggap lang si Direk Brillante ng Lifetime Achievement Award kaya nabigla siya nang tawagin ang kanyang pangalan bilang best actor winner. 


“Ang alam ko si Direk Brillante ang bibigyan ng Lifetime Achievement Award. Maya-maya, tinawag yung pangalan ko. Hindi ako prepared. Hindi ko talaga inaasahan yon. Lalo akong natuwa nung tawagin yung pangalan ko,” masayang pagre-recall ng Kaliwaan star. 

READ: Vince Rillon ibinahagi ang mga payo sa kanya ni Coco Martin

Patuloy na kuwento ni Vince, “Nagulat din si Direk nang biglang tawagin yung pangalan ko. Sabi ko, 'Direk, ako ba yung tinatawag?' Hindi pa ako tumatayo hanggang yung emcee, tinawag ako, 'Vince Rillon, Vince Rillon, come… come.' 

“Nagulat po ako, tumayo ako. Nahiya rin po ako sa suot ko dahil hindi po ako nakaayos. Nakapantalon lang ako at simpleng damit lang din.” 

At dahil hindi naman niya expected na mananalo ng award sa Italy kaya hindi siya naghanda ng mga sasabihin or acceptance speech. 

Aniys, “Speechless ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Nagpasalamat na lang po ako kay Lord and then sa harap ng aking manager na si Direk Brillante. Yung team ng Resbak. 

“Hindi ko po alam ang sasabihin ko. Para akong nabigla..” 

Habang nasa Italy ay hindi pa rin daw mag-sink in sa kanya na meron na siyang international acting award mula sa 19th Asian Film Festival. 

“Nung nasa Rome ako, hindi ko ma-feel na nanalo ako. Nang umuwi po ako dito sa Pilipinas, don ko na naramdaman na ang sarap po pala. Speechless po kasi ako nung araw na yon. Hindi ako makapaniwala. 

“Parang hindi ko ma-explain yung nararamdaman kong saya. Ngayon ko lang po napi-feel na napaka-blessed ko po,” lahad ng Kaliwaan actor. 

READ: Director Roman Perez Jr. has high hopes for sexy actors Sean de Guzman and Vince Rillon

Isa sa pinapangarap noon ni Vince ang magpunta sa Vatican para magsimba. Pero dagdag na blessing pa ang kanyang natanggap dahil sa pagkakapanalo. 

“Nagpunta kami ni Direk sa Vatican. Nag-pray na ako, nagpasalamat na ako kay Lord dahil, unang-una, nakapunta ako sa Vatican. Pangarap ko po talaga na makapasok sa loob ng simbahan na yon. And two days before the awards night, sabi ko kay Direk, 'Puwede ba huwag na tayong mag-formal?' Sabi niya, ‘Itanong natin.’ 

“So, puwede raw, huwag na kaming magsuot ng coat or formal. Yung opening po ng festival, siyempre naka-coat, formal, and tuwang-tuwa ako dahil blessing na po sa akin na nakapasok yung pelikula ko at nag-compete sa festival,”huling pahayag ni Vince na kapareha ni AJ Raval sa Kaliwaan na streaming very soon sa Vivamax.