• Home
  • Fresh Scoops
  • Isa ang komedyante at host na si Vice Ganda sa mga kilalang bituin na dumalo sa kasalang Patrick Sugui at Aeriel Garcia.

TINGNAN: Vice Ganda, ninang sa kasal ni Patrick Sugui at Aeriel Garcia

Isa ang komedyante at host na si Vice Ganda sa mga kilalang bituin na dumalo sa kasalang Patrick Sugui at Aeriel Garcia.

TINGNAN: Vice Ganda, ninang sa kasal ni Patrick Sugui at Aeriel Garcia-Leah Bueno
BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

04/22/2022 01:20 PM
TINGNAN: Vice Ganda, ninang sa kasal ni Patrick Sugui at Aeriel Garcia
Photo credit to @praybeytbenjamin Instagram

Isa ang komedyante at host na si Vice Ganda sa mga kilalang bituin na dumalo sa kasalang Patrick Sugui at Aeriel Garcia.

Sa Instagram, nag-post ang It's Showtime host ng kanyang retrato kuha mula sa kasal ng magkasintahan na ginanap noong Miyerkoles, Abril 20, sa isang resort sa Batangas.

"Not your ordinary ninang," ani Vice sa kanyang caption.


Sa comments section ng kanyang post, nagpasalamat si Patrick kay Vice sa pagdalo nito sa kanyang kasal sa kabila ng hectic work schedule ng komedyante. 

"Thank you, Ma!! Love you!" ani Patrick.

Bukod kay Vice, ninang din sa kasalang Patrick at Aeriel ang vlogger at dating aktres na si Marjorie Barretto. 

Kabilang naman sa entourage ng bride sina Julia Barretto, Janella Salvador, Gabbi Garcia, Chie Filomeno, at Issa Pressman. Samantala, sina Marco Gumabao, Dominic Roque, Khalil Ramos, at Joe Vargas ay parte rin ng kasal bilang groomsmen ni Patrick. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by marjbarretto (@marjbarretto)

Disyembre noong 2020 nang inanunsyo nina Patrick at Aeriel ang kanilang engagement.

Sa Patrick ay unang nakilala sa reality show na Pinoy Big Brother noong 2010, habang si Aeriel naman ay kilala bilang isang model at social media influencer. 

READ: Engaged couple Patrick Sugui and Aeriel Garcia are living together, but...

Taong 2018 pa noong naging opisyal na magkasintahan ang dalawa. Sa nakaraang panayam, inamin nina Patrick at Aeriel na bago pa man sila ma-engage ay live-in partners na sila.