• Home
  • Fresh Scoops
  • Hindi napigilan ni Ogie Alcasid na maging emosyonal nang magkuwento tungkol sa kanyang dalawang anak na sina Leila at Sarah.

Ogie Alcasid, naging emosyonal dahil sa kanyang mga anak

Hindi napigilan ni Ogie Alcasid na maging emosyonal nang magkuwento tungkol sa kanyang dalawang anak na sina Leila at Sarah.

Ogie Alcasid, naging emosyonal dahil sa kanyang mga anak-Leah Bueno
BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

04/21/2022 04:07 PM
Ogie Alcasid, naging emosyonal dahil sa kanyang mga anak
Photo credit to @ogiealcasid Instagram

Hindi napigilan ni Ogie Alcasid na maging emosyonal nang magkuwento tungkol sa kanyang dalawang anak na sina Leila at Sarah. 

Sa live episode ng It's Showtime nitong Huwebes (Abril 21), emosyonal na inalala ng mang-aawit ang kanyang pangungulila sa mga anak na aniya ay halos dalawampu't taon niyang hindi nakasama.

WATCH: Ogie, biglang naging emosyonal nang mapag-usapan ang pagiging magulang | It’s Showtime


Ito ay nang mapag-usapan sa programa ang kwento ng isang "Sexy Babe" contestant na matagal na umanong hindi nakakasama ang kanyang ina, na isang overseas Filipino worker. 

Nang matanong ng kapwa host na si Vice Ganda kung bakit siya naging emosyonal, sambit ni Ogie: "Nung sinabi mo 'yung mga magulang, iniisip din nila na sana kasama 'yung mga anak nila... Matagal kasi akong hindi ko kasama 'yung mga anak ko eh. 'Yung dalawa. Ilang taon 'yun, halos dalawampu't taon. Of course, different situation, but as a father... I'm just trying my best."

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Ogie Alcasid (@ogiealcasid)

Sina Leila at Sarah ay mga anak ni Ogie sa kanyang dating asawa, ang dating model at beauty queen na si Michelle van Eimeren. 

Lumaki sa Australia ang dalawa kasama ang kanilang ina. Sa ngayon ay kasama pa ring naninirahan ni Michelle ang kanilang bunsong anak, habang si Leila naman ay limang taon nang nakatira sa Pilipinas kasama si Ogie.

Matatandaan na umuwi ng bansa si Leila noong 2017 upang sundan ang kanyang pangarap na maging isang mang-aawit tulad ng kanyang ama.

Ayon kay Ogie, bagamat masakit para sa kanya ang mawalay sa mga anak nang matagal na panahon, ipinagpapasalamat niya pa rin na ngayon ay magkasama na sila ng kanyang panganay 

"Salamat na lang at ngayon ay reunited kami ng panganay ko," aniya.

"But all those years, ang hirap."

READ: Leila Alcasid shares the sacrifices her dad Ogie Alcasid made while she was growing up

Taong 1996 nang ikinasal si Ogie kay Michelle. Naghiwalay sila matapos ang ilang taong pagsasama at taong 2007 nang mapawalang bisa ang kanilang kasal.

Sa ngayon ay kasal na si Ogie sa kapwa mang-aawit na si Regine Velasquez. Higit 10 taon na silang kasal at mayroon na rin silang isang anak, si Nate, na 10 taong gulang.

Kasal na rin si Michelle; ikinasal ang dating beauty queen sa kanyang mister na si Mark Morrow noong 2009.