• Home
  • Fresh Scoops
  • May halong inis at galit na ipinaliwanag ni Andrea Brillantes ang nangyari sa pagitan nila ng isang fan.

TINGNAN: Andrea Brillantes, ibinahagi ang pag-walk out sa isang fan na nagpumilit magpa-picture nang walang suot na mask

May halong inis at galit na ipinaliwanag ni Andrea Brillantes ang nangyari sa pagitan nila ng isang fan.

TINGNAN: Andrea Brillantes, ibinahagi ang pag-walk out sa isang fan na nagpumilit magpa-picture nang walang suot na mask-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

04/21/2022 09:41 AM
TINGNAN: Andrea Brillantes, ibinahagi ang pag-walk out sa isang fan na nagpumilit magpa-picture nang walang suot na mask
Photo credit to @blythe Instagram

Nangagalaiting ibinahagi ni Andrea Brillantes ang kanyang naging karanasan kung saan nagpumilit ang isang fan na magpa-picture sa kanya nang walang suot na mask. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Andrea Brillantes (@blythe)

Pinili ni Andrea na ipaliwanag ang nangyari matapos mapansin ng ilang fans na tila hindi natutuwa si Andrea sa nasabing mga litrato na kumakalat sa social media. 


Ipinaliwanag ni Andrea ang nangyari sa isang video na kanyang ibinahagi sa TikTok. 

Si Andrea ang Pilipinong may pinakamaraming followers sa TikTok. Nasa 17.5 milyong ang followers nito sa nasabing platform. 

Pag-amin ni Andrea, na-bad trip siya dahil sa pangungulit na ginawa sa kanya. Sinabihan na umano niya ang taong nagpa-picture sa kanya na bawal ang magpakuha ang litrato nang walang mask ngunit nagpumilit pa rin umano ito. 

READ: Andrea Brillantes, celebrity reaction, celebrity reaction, fan interaction

“To be honest, yes. Actually medyo bad trip ako n’yan. Una, ang kulit kasi ni kuya na, ‘Pwede po bang walang mask?’ Sabi ko, ‘Bawal po, bawal po talaga,’” ani Andrea. 

Ani pa niya, hindi lang umano niya ito ginawa dahil trip niya lang. Bagkus, kinailangan niya itong gawin dahil nakasalalay ang kanyang mga proyekto sa resulta nang kanyang magiging COVID-19 test. Matatandaan na minsan nang nagkaroon ng COVID ng aktres noong nakaraang taon.

“Nag-picture siya, tapos umulit-ulit siya, tapos sabi ko, ‘Kuya, bawal po talaga’ kasi duh? Nasa pandemic pa po tayo at ang dami ko pa pong work na nakasalalay na hindi ako pwedeng mag-positive,” ani Andrea. 

Panoorin ang bidyo sa ibaba: 

 

@blythe Reply to @danieleyebol gow awayin nyo pa ko.pake ko? Leni padin. #fyp ♬ original sound - Andrea Brillantes

 

Paliwanag pa ni Andrea, hindi lang ito ang nangyari. Binigyan pa umano siya ng t-shirt kung saan pinakiusapan siya kung pwede umano itong i-post sa social media. Ngunit tinanggihan niya umano ito dahil may mga pinirmahan siyang kontrata sa isang clothing line na nagbabawal sa mga ganitong uri ng posts.