• Home
  • Fresh Scoops
  • Excited na ang mga pageant fans kung sino sa 32 candidates ang magsusuot ng bagong Miss Universe Philippines crown.

Miss Universe Philippines Organization unveils new crown

Excited na ang mga pageant fans kung sino sa 32 candidates ang magsusuot ng bagong Miss Universe Philippines crown.

Miss Universe Philippines Organization unveils new crown-Kiko Escuadro
BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

04/20/2022 11:31 AM
Miss Universe Philippines Organization unveils new crown
Photo credit to @themissuniverseph Instagram

Ilang araw bago ang coronation night ng Miss Universe Philippines 2022, ipinasilip ng Miss Universe Philippines Organization ang bagong korona na isusuot ng susunod na hihirangin na Miss Universe Philippines.

Nitong Martes ng gabi April 19, sa pagtatapos nang Miss Universe gala night, ipinasilip ang bagong korona ng Miss Universe Philippines na tinawag na “La Mer En Majesté” (The Sea in Majesty).

Sa detalye ng La Mer En Majestè, makikita ang buhay na buhay na kulay gintong korona na napapalibutan ng mga kumikinang na bato. Angat rin ang golden South Sea pearls na nagbigay buhay sa detalye ng bagong korona.

Ang La Mer En Majestè ay gawa ng International luxury jewelry brand na Jewelmer.

Sa naging unveiling ng bagong korona, present si reigning Miss Universe Philippines Beatrice Luigi Gomez na siyang magpapasa ng title at korona ng Miss Universe Philippines.

Miss Universe Philippines Organization unveils new crown

Miss Universe Philippines Organization unveils new crown

Present rin ang former Miss Universe Philippines at Miss Universe Philippines Chairperson na si Shamcey Supsup-Lee kasama sina Jacques Christophe Branellec at Marion Branellec De Guzman ng Jewelmer para pangunahan ang unveiling ng La Mer En Majestè.

RELATED LINK: Kilalanin ang 32 candidates ng Miss Universe Philippines

Sa darating na April 30 gaganapin sa Mall of Asia Arena ang coronation ng Miss Universe Philippines.