• Home
  • Fresh Scoops
  • Noong panahon aktibo siya sa teatro ay nagawa na ni Vance Larena ang maghubo’t hubad sa entablado.

Vance Larena, handang gawin ang mga daring scenes sa pelikulang ‘Biyak’

Noong panahon aktibo siya sa teatro ay nagawa na ni Vance Larena ang maghubo’t hubad sa entablado.

Vance Larena, handang gawin ang mga daring scenes sa pelikulang ‘Biyak’-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

04/02/2022 08:04 PM
Vance Larena, handang gawin ang mga daring scenes sa pelikulang ‘Biyak’
Photo Credit: @vancelarena on IG

Hindi na bago para kay Vance Larena ang gumawa ng daring act sa stage piay nung panahong aktibo pa siya sa teatro. Dahil dito, hindi na niya kailangang pag-isipan pa ang alok na maging bahagi ng isang movie project na ididirek ni Joel Lamangan mula sa production ng 3:16 Media Network na may titulong Biyak. 

Si Vance ang lead actor ng musical play na Dilaw o Pula na itinanghal ng Philippine Stagers Foundation noong 2018. Dito ay buong tapang na naghubo’t hubad si Vance sa entablado – butt exposure at frontal nudity. 

Sa Dilaw o Pula rin natanggap ni Vance ang pagkilala mula sa Aliw Awards bilang Best Actor in a Featured Role. 


Handa na ba siyang dalhin sa pelikula ang pagiging daring niya noon sa entablado? 

“Handa naman po ako sa kahit anong role na ipapagawa sa akin. Actually, kahit anong role naman okay ako, hindi naman ako namimili. Nagkakataon lang na yung mga naunang project ko noon sa pelikula ay wholesome at ibang-iba dito sa Biyak. Pero kung meron din namang nag-offer noon ikokonsider ko rin,” simulang pahayag ni Vance sa interbyu ng PUSH

READ: EXCLUSIVE: Vance Larena on being patient with his showbiz career: ‘Hindi sa lahat ng pagkakataon ay tayo ang bida’

Hindi naman itinanggi ng Star Magic at Team Management artist na kinabahan siya kung paano ie-execute ang mga daring at intimate scenes sa bagong pelikula. 

Ani Vance,  “Lahat naman sa una kapag hindi mo pa nagagawa talagang matatakot ka. Pero once na nagawa mo na and with the guidance pa of Direk Joel mabubunutan ka ng tinik at mas magiging maganda yung kalalabasan ng  eksena.” 

“Actually, naka-specify do’n sa script ni Sir Troy (Espiritu) na mala-asal aso yung gagawin naming eksena, kumbaga, wild sex. Promiscuous po yung character ko dito kaya ganun po yung gagawin namin. First time ko siyang gagawin kaya talagang kinakabahan ako,” dagdag ni Vance. 

Mas nakakatakot ba ang mag-frontal sa movie kesa sa stage? 

“Mas nakakatakot sa film kasi parang forever na siyang makikita, eh,” tugon ng Viral Scandal star. “Sa movie kasi puwedeng balik-balikan yung eksena, sa teatro naman hindi ganun. 

“Yung sa harap ng tao exciting din naman siya pag sa teatro at nagawa ko na siya sa teatro. Dito sa film, wala namang mga taong nanonood sa mismong shoot. Kumbaga, kayo-kayo lang – direktor, cinematographer at co-actor mo. Hindi siya madami kumpara sa audience na nanonood sa theater,” rason ng binata. 

Read: Vance Larena shares struggle with mental health: ‘It’s not easy but progress is the key’

Ibinahagi rin ni Vance sa PUSH na matagal na niyang gustong makatrabaho sa pelikula si Direk Joel. 

“Si Direk Joel po nakasama ko po kasi siya nung naging OJT ako sa teatro po namin. Napanood niya po ako don sa Dilaw o Pula tapos ayun po, since then parang nakasalamuha mo na yung direktor ng pelikula at kilalang-kilalang director so pinangarap ko po talaga na makatrabaho si Direk Joel,” kuwenro ni Vance. 

Ayon naman sa premyadong director, the feeling is mutual dahil matagal na rin niyang gustong maidirek si Vance. 

“Noon ko pa gusto si Vance pero laging hindi puwede, we never had a chance. Kasi nga nakita ko siya do’n sa teatro. 

“Wala siyang problemang mag-frontal sa harap ng tao. He was very confident to do that and he was very good. Mahusay talaga siyang umarte. Sabi ko, gusto ko siyang makatrabaho at yon nga, nangyari na,” pahayag ni Direk Joel. 

Samantala, kasama ni Vance sa Biyak sina Albie Casino, Melissa Mendez, Maureen Mauricio, at Jim Pebanco. Introducing naman sa pelikula sina Angelica Cervantes at Quinn Carillo.