• Home
  • Fresh Scoops
  • ‘Mahirap po kasi hindi lahat ng tao na nakapaligid sa ‘yo, mapagkakatiwalaan,’ ani Nadine Lustre pagkatapos maging biktima ng kaibigang influencer.

Nadine Lustre, ikinuwento kung paano naging biktima ng isang influencer

‘Mahirap po kasi hindi lahat ng tao na nakapaligid sa ‘yo, mapagkakatiwalaan,’ ani Nadine Lustre pagkatapos maging biktima ng kaibigang influencer.

Nadine Lustre, ikinuwento kung paano naging biktima ng isang influencer-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

04/03/2022 12:25 AM
Nadine Lustre, ikinuwento kung paano naging biktima ng isang influencer
Photo Credit: @nadine on IG

Aminado si Nadine Lustre na may pagkakataong naranasan din niyang maging greedy pagdating sa pera lalo na nung hindi pa niya masyadong alam kung paano ito gastusin nang maayos. 

“When it comes to kung kailan po ako naging greedy, I think meron po kasing time na siyempre, mas bata pa po ako no'n, so kapag may pumapasok na pera, medyo nakakalimutan ko na kailangan ko pala siyang itabi. Kailangan ko pala siyang i-save para sa future,” pagtatapat ng bida ng pelikulang Greed sa ginanap na virtual mediacon ng pelikula. 

Patuloy ni Nadine, “Minsan, nagagastos ko, especially sa maliliit na material things like eating out, buying mga items like mga bags, designer stuff. I guess, in a way, understandable din naman. Not necessarily because of my line of work but also because, hindi pa rin ako marunong mag-save nung time na yon. 


“And hindi ko talaga naa-appreciate yung value ng pera. So, para sa akin, kapag may pumapasok, parang ang dami kong gustong bilhin. Gusto kong i-enjoy yung pera.” 

Read: Nadine Lustre, nagpapasalamat sa suporta ng fans sa kanyang movie comeback

Si Nadine ang tumatayong breadwinner ng kanyang pamilya at kapag may pumasok na pera, alam niyang malaking bahagi nito ang para sa pamilya. Pero yon nga, hindi naman daw niya nakakalimutang bigyan ng reward ang kanyang sarili sa hard work na kanyang ginagawa. 

Lahad niya, “Well, I'm the breadwinner of the family. So, growing up whenever I would have gigs before or kaya mga commercials, that's what I used to do before. So, every time I would get my talent fee, it would always be spent with the whole family—tuition fees of my siblings. 

“So when I started earning more because of the movies, teleseryes, endorsements, parang may time na naging greedy ako when it comes to spending on myself. Just because you know, I didn't experience buying the things I like—just spending money on myself.  So medyo naging greedy ako nung time na yon, but eventually, you know, I grew older and I learned.” 

Nang nag-mature na siya ay naging masinop na raw siya sa mga perang kinikita. 

“Now that I'm older, I'm more aware of the money that I'm receiving. Mas masinop po ako sa pera, mas matipid po ako ngayon. I'm not really the same anymore. I do save money for the future.  It's completely different,” deklara pa niya. 

Read:Nadine Lustre, aminadong nanibago sa kanyang acting comeback

Ibinahagi rin ni Nadine sa Greed mediacon na nabiktima siya noon ng isang kaibigang influencer na ninakawan pa siya ng pera. 

“I think, with first hand experience, medyo malala kasi, it's in all aspects. That person is supposed to be my friend,” kuwento niya. “Everyone was telling me na she's a social climber, na dumidikit lang po sa amin because may pangalan po kami and she also wants to get on the train. 

“So eventually po, like she would get projects din like hosting. Kasi, she's an influencer rin, for posting because she's hanging out with us,” pagre-recall ni Nadine. 

“It got worse kasi parang we found out na nagnanakaw na po siya ng pera. There was one time na I had money in my room, biglang nawala po yung pera. And it so happened that she was the only one who went inside the room. And we found out that she's been stealing from other friends as well. So I guess, you can say that's totally greed,” dagdag pa ng aktres. 

Ano naman ang kanyang natutunan sa nangyari? 

“I guess, be wise with picking the people you surround yourself with. Especially for someone who is in the industry and someone who's like us, mahirap po kasi hindi lahat ng tao na nakapaligid sa 'yo, mapagkakatiwalaan. 

“And like too many times po na na-break yung trust ko sa mga tao. And it's heartbreaking because these are the people that I really used to be close to and people that know everything about me. 

“So medyo nakakatakot po kasi ngayong hindi ko na sila nakakasama, hindi ko na sila nakakausap, we don't know kung ano po ang sinasabi nila about me or kung ano ang nasi-share nila sa ibang tao. So kailangan po talagang mag-ingat,” paalala ng aktres. 

Read:Nadine Lustre says she’s ‘totally past the love team phase’

Meanwhile, iikot ang kuwento ng Greed sa pagiging lotto winners ng mga characters nina Nadine at Diego Loyzaga at kung paanong babaguhin nito ang kanilang buhay dahil sa labis na kasakiman. 

Ang Greed na isang suspense thriller at mapapanood sa Vivamax sa direksyon ni Yam Laranas. Pagbibidahan din ito ni Epy Quizon. 

“Ang pinaka-naenjoy ko po talaga is in general, maka-trabaho silang lahat. Not because, hindi ko siya tiningnan as actors or our profession. Mas tiningnan ko when we are off-cam, pag nasa set lang po kami, nagpapahinga, nagge-get-together or nagkukuwentuhan, mas do'n po kasi ako naka-connect sa kanila. 

“And I love na parang hindi kami nagtrabaho at all. Parang nagha-hang-out lang kami sa set. And what I really loved about it, si Direk kasi, he's very collaborative. And I love that we exchanged stories. We all exchanged music. As in, kapag naka-standby po talaga kami, kung ano-ano ang pinapatugtog namin. Kung ano-ano pinag-uusapan namin. So, it's really more the real people behind the camera that's what I discovered,” kuwento ni Nadine sa kanyang experience habang ginagawa ang pelikula.