• Home
  • Fresh Scoops
  • Walang katulad rin para kay Albie Casiño ang naging hiwalayan nila ng ex na si Andi Eigenmann.

Albie Casiño, paano nga ba nag move-on kay Andi Eigenmann?

Walang katulad rin para kay Albie Casiño ang naging hiwalayan nila ng ex na si Andi Eigenmann.

Albie Casiño, paano nga ba nag move-on kay Andi Eigenmann?-Kiko Escuadro
BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

04/02/2022 06:08 PM
Albie Casiño, paano nga ba nag move-on kay Andi Eigenmann?
Photo Credit: @andieigengirl on IG

Usapang moving on ang naging tema sa live kuwentuhan ng mga stars ng ABS-CBN Entertainment’s first YouTube daily series na How To Move On in 30 days

Dito, hugot from their personal experiences ang ibinahagi ng mga cast kabilang na si Albie Casiño na napa-throwback kuwento sa naging hiwalayan nila ng former girlfriend na si Andi Eigenmann. 


Matatandaan na 2011 mainit na pinag-usapan ang controversial love story nina Andi at Albie na kapwa nasa peak ng kanilang karera bilang Kapamilya stars. 

You can’t really masasabi na parang breakup lang ‘yun e, it’s more of eskandalo,” bungad ni Albie sa tanong ng press. 

Para sa aktor, iba ang naging proseso ng pag-move on niya sa pinagdaanan na gulo noon. 

Hindi naman breakup lang ‘yun, so ibang iba ‘yung process na ‘yun kung paano ka mag-move on sa relationship kasi I was figuring out how will I move on after that, so I can’t compare that to the series if that’s the question,” aniya pa. 

Looking back sa kaniyang experience, aminado si Albie na kaunti pa lang ang kaniyang kaalaman noon pagdating sa relasyon. 

Yeah I was 17, so… noong time na ‘yun parang first relationship ko rin ‘yun e, wala pa talaga akong alam. I really don’t know what’s going on and noong time na ‘yun wala akong time para masaktan ang puso ko kasi ang daming (umiikot) and there’s so much things going on from news and everything. It was taking my attention away from the heartache kumbaga so parang di ko talaga naramdaman ‘yung sakit sa puso. Paano po, e ginulpi na nga ako, puso ko pa ‘yung masakit? Siyempre hindi no, nagulpi na ako e,” sambit pa niya. 

Inilarawan niya na walang katulad ang naging controversial breakup nila ni Andi noon. 

“Pero ‘yun nga po that’s a total different situation sa regular breakup ng kayo ng ex mo or something, so hindi ko talaga siya nako-compare.” 

Sa ngayon, kapwa naka move on na sina Andi at Albie sa kanilang pinagdaanang relasyon.