• Home
  • Fresh Scoops
  • Ilang buwan matapos ang insidente, binalikan ng aktor na si Jake Cuenca ang

Jake Cuenca, binalikan ang insidenteng kinasangkutan niya noong 2021

Ilang buwan matapos ang insidente, binalikan ng aktor na si Jake Cuenca ang

Jake Cuenca, binalikan ang insidenteng kinasangkutan niya noong 2021-Leah Bueno
BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

04/18/2022 02:54 PM
Jake Cuenca, binalikan ang insidenteng kinasangkutan niya noong 2021
Screenshot from Star Magic YouTube Channel

Ilang buwan matapos ang insidente, binalikan ng aktor na si Jake Cuenca ang kontrobersiyal na pagbangga niya sa sasakyan ng mga pulis na nauwi sa habulan. 

Sa "Stars on Stars" ng Star Magic kasama ang kapwa aktor na si Jeremiah Lisbo, muling nagsalita si Jake tungkol sa insidente nang ibinihagi niya ang kanyang sikreto sa likod ng mahaba at matagumpay niyang karera sa showbiz.


"Unang-una obviously, you have to give your best. In 20 years, ang dami ko nang nakita na batches ng artista na come and go. For me, to be honest, I still consider myself very, very lucky to still be here and doing what I do. Parang every day I am thankful and grateful to God for being blessed to do what I do," ani Jake.

"Pero I remember parang few months ago nagkaroon ako ng insidente it's all over the news, issue. Pero naalala ko nagbaha ng text sa akin—management, bosses, actors, my producers and all of them just said one thing. Kung anu-ano na ang lumabas sa chismis na ito, ang dami ng version na lumabas, pero I remember they said one common thing. They all said: 'No matter what happened Jake, we know that you are a good person because your heart is in the right place.'"

Patuloy ng aktor: "It was still the body of work at kung ano ang ipinakita ko sa co-workers ko, kung bakit sa likod nang napakapangit na isyu ay naniniwala pa rin sila sa akin. Kasi I show them the real me. To the people that I worked with, to the people who really know me, they know that my heart is in the right place and that's because I've also worked with them for decades now. So parang kahit sa likod nang napakabigat na isyu, never akong nag-alala about my job. Kasi in fairness to management, they made me feel secure na kilala nila ako."

Matatandaan na Oktubre noong 2021 nang maging laman ng balita si Jake matapos ang kanyang pakikipaghabulan sa mga pulis na nauwi rin sa pagkakadawit ng isang delivery rider na si Eleazar Maritinito, 43 taong gulang.

TINGNAN: Jake Cuenca, binisita ang delivery rider na tinamaan ng ligaw na bala sa insidenteng kinasangkutan

Sa nakaraang panayam, inamin ni Jake na nagdulot sa kanya ng matinding trauma ang nasabing insidente, kung saan nakatanggap ng multiple gunshots ang kanyang sasakyan, at isa na rito ay malapit pa sa tanke ng gasulina.

Gayunpaman, hindi na siya naghain ng reklamo laban sa mga pulis dahil aniya ay nais lamang niya na maresolba na ang kaso.

Kasalukuyang napapanood si Jake sa seryeng Viral Scandal gabi-gabi sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, at iba pang platform ng ABS-CBN.