• Home
  • Fresh Scoops
  • Namigay ng relief packs si Angel Locsin sa mga evacuees sa isang paaralan sa lungod ng Baybay.

TINGNAN: Angel Locsin, namigay ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo sa Baybay City sa Leyte

Namigay ng relief packs si Angel Locsin sa mga evacuees sa isang paaralan sa lungod ng Baybay.

TINGNAN: Angel Locsin, namigay ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo sa Baybay City sa Leyte-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

04/18/2022 04:57 PM
TINGNAN: Angel Locsin, namigay ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo sa Baybay City sa Leyte
Photo credit: @Indulge Baybay City Leyte Facebook (left)/ @Discover Baybay City Facebook (right)

Binisita ng Kapamilya star na si Angel Locsin ang mga nasalanta ng bagyong Agaton sa Baybay City sa probinsya ng Leyte.

Sa Facebook post na ibinahagi ni Joy Cain Gumapac, makikita ang pagdating ni Angel sa Baybay City Senior High School kung saan nananitili ngayon ang mga evacuees ng lungsod.


Sinalubong si Angel ng ilang kilalang personalidad ng Baybay kabilang na ang dating mayor nito na si Carmen Cari.

READ: Angel Locsin honored by Philippine Red Cross with Spirit of Philanthropy award

Dito, namigay si Angel ng mga relief packs sa mga taga Baybay City base sa mga kuha ni Rona May Ompoy. Kasama din ni Angel sa kanyang naging pagbisita ang kanyang asawa na si Neil Arce. 

Hindi na bago ang pagtulong sa mga nasalanta ng mga kalamidad para kay Angel. Sa katunayan, isa siya sa mga kilalang artista na laging nauunang maghatid ng tulong sa mga biktima ng iba’t-ibang sakuna.

Samantala, umabot na ng 170 katao ang namatay dahil sa iba’t-ibang landslides na nangyari sa Leyte kabilang na ang bayan ng Abuyog at siyudad ng Baybay.

READ: Angel Locsin reacts to being called a ‘Hero of Philanthropy’

Tinataya namang aabot na sa 128 ang mga nawawalang katawan hanggang ngayon. Ito ay base sa inilabas na ulat ng Philippine News Agency.