• Home
  • Fresh Scoops
  • Aminado si Nadine Lustre na isa siya sa mga natutuwa sa mga viral photos niya sa social media.

Nadine Lustre, tanggap ang pagiging ‘Sarsa Queen’?

Aminado si Nadine Lustre na isa siya sa mga natutuwa sa mga viral photos niya sa social media.

Nadine Lustre, tanggap ang pagiging ‘Sarsa Queen’?-Kiko Escuadro
BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

04/17/2022 02:20 PM
Nadine Lustre, tanggap ang pagiging ‘Sarsa Queen’?
Photo credit: @nadine Instagram and Arah Mae Conte

Game at aminadong hindi napipikon ang aktres na si Nadine Lustre sa mga naglalabasang memes niya sa social media.

Una na dito ang kaniyang viral “Sarsa Queen” kung saan spotted ang aktres na bumibili ng sarsa ng lechon habang siya ay nasa isla ng Siargao.

Sa bahagi ng Cinema News Exclusive interview, isa sa naging tanong ni Bianca Gonzalez kay Nadine ay kung napipikon nga ba siya sa iba’t ibang memes na nag viral sa social media.


“I love funny videos, memes, so I don’t get offended with these things I love it. I love [that I’ve] become a meme, because I love memes,” bungad ni Nadine sa panayam.

Ayon sa aktres, isa siya sa mg nakikitawa pag nahahagip niya sa social media ang kaniyang viral “sarsa queen” photo.

“What I loved about what came after what you called those were yung ginagaya nila, yung nire-recreate ang photo, mayroong edits, someone came out dress up like me may Mang Tomas bottle, so it was really, really funny,” ani aktres.

Sa parehong panayam, idinetalye rin ni Nadine kung paano nga ba nakuhanan ang kaniyang viral sarsa photo.

“I think that time sobrang pagod lang talaga kasi galing kami sa surf ng time na yun tapos di kami na- lunch gabi na ‘yun e yung photo na ‘yung parang 8 pm nay un so I was so exhausted, nakita ko si ate, nag po-photo siya sabi ko lang ‘okay na iyan!’ Hindi ko na talaga kaya, pagod na pagod kana yung feeling mo ngi-ngiti ka sasabihin sa ‘yo suplada ka pa kasi mali ang ngiti mo ‘ganun na ang feeling ko. So sabi ko sige okay na ‘yan,” natatawang pag babahagi ng aktres.

READ: Nadine Lustre recalls story of viral photo with lechon sauce

Sa ngayon, abala si Nadine sa kabi-kabilang showbiz engagement niya bilang bahagi ng promotion ng upcoming Vivamax film Greed directed by Yam Laranas.