• Home
  • Fresh Scoops
  • Sinabi ni Jason Marvin Hernandez na hindi totoo ang isyung kumakalat tungkol sa kanilang dalawa ni Moira Dela Torre.

Jason Marvin Hernandez, pinabulaanan ang isyung hiwalayan kay Moira Dela Torre: ‘Hindi nangaliwa si Moira’

Sinabi ni Jason Marvin Hernandez na hindi totoo ang isyung kumakalat tungkol sa kanilang dalawa ni Moira Dela Torre.

Jason Marvin Hernandez, pinabulaanan ang isyung hiwalayan kay Moira Dela Torre: ‘Hindi nangaliwa si Moira’-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

04/17/2022 07:13 PM
Jason Marvin Hernandez, pinabulaanan ang isyung hiwalayan kay Moira Dela Torre: ‘Hindi nangaliwa si Moira’
Photo Credit: @jasonmarvinph on Instagram

Nagsalita na ang asawa ni Moira Dela Torre nas si Jason Marvin Hernandez kaugnay sa mga kumakalat na tsismis tungkol sa relasyon nilang dalawa. 

 

 

Sa isang tweet, isa-isang pinabulaanan ni Jason ang mga isyu na bumalot sa isipan ng mga netizens nitong mga nakaraang araw.  

Matatandaang lumabas ang balita na hiwalay na umano sina Moira at Jason matapos umanong mangaliwa ni Moira.   

Ani Jason, sila pa rin ni Moira. “We’re still married,” ani Jason.  

Dinepensahan din nito si Moira sa mga nagpapakalat na tsismis. 

Read: Moira Dela Torre shares post amid breakup rumors with husband Jason Marvin Hernandez

Hindi nangaliwa si Moira,” paglilinaw pa ni Jason. 

Ang sabi-sabi pa, mayroon umanong naganap na nakawan ng pera na nagdulot ng hiwalayan nila. Ngunit ani Jason, wala umano itong katotohanan.  

Aniya: “Walang nakawan ng pera.”  

 

 

Una nang pinabulaaan ni Moira ang isyu sa pamamagitan ng isang post sa kanyang Instagram stories kung saan ibinahagi niya ang isang litrato kung saan kumakain siya ng paboritong pagkain ni Jason.  

Naka-tag din si Jason sa nasabing litrato.