• Home
  • Fresh Scoops
  • Kinompirma ni Krista Ranillo, apo ng beteranang aktres na si Gloria Sevilla, na pumanaw na ang kanyang lola.

Gloria Sevilla, pumanaw na

Kinompirma ni Krista Ranillo, apo ng beteranang aktres na si Gloria Sevilla, na pumanaw na ang kanyang lola.

Gloria Sevilla, pumanaw na-Kiko Escuadro
BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

04/17/2022 03:58 PM
Gloria Sevilla, pumanaw na
Photo credit: @kristaranillo Instagram

Labis na nagdadalamhati ngayon ang mundo ng entertainment at malalapit na kaanak sa pagpanaw ng veteran TV personality na si Gloria Sevilla.

Sa social media post ng apo ng namayapang aktres na si Krista Ranillo-Lim, kinompirma nito ang malungkot na balita.

“I can't sleep. I miss you. I'm so thankful we were able to spend time ever since you moved here to the US. It's still not enough time. I wish we had more time. I wish we had more memories together. It's been 10 days since we last saw each other and my heart is breaking knowing I won't see you again,” bahagi ng post ni Krista.


Sa bahagi ng post ni Krista na naka-base na rin ngayon sa America, isa rin sa pinanghihinayangan nito ang naudlot na pagbisita sana nila sa kanilang lola sa darating na July.

“You were going to visit for my birthday. You promised to be at my church wedding in July. I love you Grandma. So much. Nino loves you, the kids adore you. I'm thankful to the Lord that the kids got to know their great Grandma. Nate will miss dancing for you. He told me tonight he wishes he danced more for you because it made you so happy. I love you,” pahayag ni Krista sa post.

Si Gloria ay mas nakilala noong dekada ‘60 bilang “Queen of Visayan movies”.

Bukod sa mga classic movies na pinagbidahan ni Gloria tulad ng Badlis Sa Kinabuhi, Gimingaw Ako, at Madugong Paghihiganti naging aktibo rin sa mga programa sa telebisyon ang namayapang aktres.

Nakilala din si Gloria bilang Manang Fe ng Be Careful With My Heart na pinagbidahan nina Jodi Sta. Maria at Richard Yap.

Sa ngayon, kasalukuyang nasa Oakland, California, U.S.A ang mga labi ng namayapang veteran actress kung saan naninirahan rin ang kaniyang mga kaanak.