• Home
  • Fresh Scoops
  • Puno ng pag-asa ang malalapit na kaibigan ni Bea Rose Santiago sa successful kidney transplant ng former beauty queen.

Miss International 2013 Bea Rose Santiago, nagkaroon na ng kidney transplant

Puno ng pag-asa ang malalapit na kaibigan ni Bea Rose Santiago sa successful kidney transplant ng former beauty queen.

Miss International 2013 Bea Rose Santiago, nagkaroon na ng kidney transplant-Kiko Escuadro
BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

04/17/2022 01:34 PM
Miss International 2013 Bea Rose Santiago, nagkaroon na ng kidney transplant

After five years of battling with chronic kidney disease, isang magandang balita nitong nagdaang linggo ang nai-reveal ng former beauty queen na si Maggie Wilson sa kaniyang Instagram sa latest health condition ni Miss International 2013 Bea Rose Santiago.

Sa pamamagitan ng isang Instagram story, ibinahagi ni Maggie Wilson na isang compatible kidney na ang natanggap ng malapit na kaibigan na si Bea Rose na currently based in Canada.

"Got a call from Bea Santiago and received the best news! My strong, bad ass, queen finally got her kidney transplant today," sambit ni Maggie sa IG Story.


photo courtesy @bea.Santiago IG

Matatandaan na August of 2018, inamin ni Bea Rose sa publiko ang pagkakaroon niya ng chronic kidney failure kung saan kinakailangan niya dumaan sa dialysis five times a week.

READ: Bea Rose Santiago has a chronic kidney disease

Sa kaniyang social media account makikita rin ang naging journey ni Bea Rose sa positibong paglaban sa karamdaman.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Bea Rose (@bea.santiago)

Ang chronic kidney disease rin ang naging dahilan para pansamantalang magpahinga ang former Miss International sa showbiz commitments nito dito sa Pilipinas.