• Home
  • Fresh Scoops
  • Zanjoe Marudo sa tambalann nina Bela Padilla at JC Santos:‘Ang dami na nilang nagawa at napatunayan sa mga pelikula nilang ginagawa.’

Zanjoe Marudo, na-challenge tapatan ang tambalan nina Bela Padilla at JC Santos sa ‘366’

Zanjoe Marudo sa tambalann nina Bela Padilla at JC Santos:‘Ang dami na nilang nagawa at napatunayan sa mga pelikula nilang ginagawa.’

Zanjoe Marudo, na-challenge tapatan ang tambalan nina Bela Padilla at JC Santos sa ‘366’-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

04/16/2022 09:15 AM
Zanjoe Marudo, na-challenge tapatan ang tambalan nina Bela Padilla at JC Santos sa ‘366’
Photo credits: @ onlyzanjoemarudo and @bela on Instagram

Malaking challenge para kay Zanjoe Marudo kung paano tatapatan ang subok nang screen tandem nina JC Santos at Bela Padilla na pinatunayan nila sa mga pelikulang 100 Tula Para Kay Stella, The Day After Valentine’s, and On Vodka, Beers and Regrets. Si Zanjoe ay kasama sa romantic tragedy movie na 366 na muling pinagbibidahan nina Bela at JC.

Si Bela rin ang writer, producer, at director ng 366 na mapapanood sa Vivamax.

“Ang naging challenge siguro sa akin dito sa paggawa ng character ni Marco sa 366, siyempre papasok ako sa isang project na makakasama ko ang established na tandem, sina JC at Bela.


“Ang dami na nilang nagawa at napatunayan sa mga pelikula nilang ginagawa. Yon ang gusto ko namang gawin ngayon, yung mga projects na may mga challenge.  Kung paano magwo-work ang character ni Marco. Kasi importante yon. Importante na mag-work siya para mabuo yung buong istorya and siyempre, bilang established na nga ang tandem nina JC at Bela, kailangan kong sabayan.

“Kailangan kong sumabay para maging maganda ang palabas and thankful naman ako dahil sa guidance ni Direk Bela sa akin at sa buong team ng 366, naging masaya ang pagbuo ng pelikula,” pahayag ni Zanjoe sa ginanap na virtual presscon ng pelikula.

READ: Bela Padilla, wala bang ilangan factor kay Zanjoe Marudo ngayong magkasama sila sa kanyang directorial debut movie?

Nagkasama na sa ABS-CBN TV series na My Dear Heart taong 2017 sina Bela at Zanjoe at ayon sa aktor hindi naman daw nawawala ang chemistry nila ng aktres.

Aniya, “Yung chemistry kasi, sa tingin ko, para sa akin nando’n lang yon. Kumbaga, hindi mo kailangang sadyain, hindi mo kailangang mag-effort para lang magkaroon ng chemistry or kiligin ang audience sa mga ginagawa n’yong eksena.  Siguro, well, suwerte ka talaga kapag alam mong bagay yung dalawang tao sa screen.

“Nag-work siya, siguro dahil bilang mabuti kaming magkaibigan at wala naman kaming galit sa isa’t isa sa mga nangyari sa amin. Mas nag-work siya kasi mas nagko-collaborate kami. At makikita mo ang set namin, walang sumisigaw, napaka-kalmado. Ang sarap lang na parang belong ka ro’n sa group na puro artists, matatalino, very creative. 

“Nakakatuwa na naging part ako ng first film na ito ni Bela. Magaan siyang katrabaho and alam niya kung ano ang gusto niya. Alam niya kung ano ang kailangan niya. Siyempre, meron siyang mga tinatanong din, pero hindi dahil sa may nag-advise, gagawin niya. Siya, kung ano talaga ang pinaniniwalaan niya, yon talaga ang gagawin niya kaya nakakabilib,” papuri ni Zanjoe kay Bela.

READ: Zanjoe Marudo, Gerald Anderson, Sam Milby, and other Star Magic artists share their career highlights

Tungkol sa break up at moving on ang pelikulang 366 kaya natanong ang aktor kung ano ang proseso niya ng pagmo-move on.

“Mas gusto ko na may kasama. Gagawin ko yung mga hobbies ko. Maglalaro ako ng golf para mas ma-clear yung utak and saka ko siya haharapin siguro kapag medyo gumaan-gaan na, katulong siyempre ng mga friends.

“Ginagawa kong busy ang sarili ko. Ginagawa ko ang mga gusto kong gawin—kailangan mong maramamdaman. Kailangan mong ubusin sa katawan mo. Hindi puwedeng nandiyan lang siya. Babalik at babalik yon kapag mag-isa ka na lang or may nag-trigger. Kailangang malagpasan mo yon,” pagbabahagi pa ng Kapamilya actor.