• Home
  • Fresh Scoops
  • Suportado ni Sharon Cuneta ang pagiging online seller ni Mariel Rodriguez.

Sharon Cuneta, tuwang-tuwa sa pag-live online selling ni Mariel Rodriguez

Suportado ni Sharon Cuneta ang pagiging online seller ni Mariel Rodriguez.

Sharon Cuneta, tuwang-tuwa sa pag-live online selling ni Mariel Rodriguez-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

04/16/2022 10:00 AM
Sharon Cuneta, tuwang-tuwa sa pag-live online selling ni Mariel Rodriguez
Photo credits: @marieltpadilla and @reallysharoncuneta on Instagram

Isa sa nakapanood ng live online selling ni Mariel Rodriguez sa kanyang social media account ay si Megastar Sharon Cuneta. Nagpadala pa nga ng mensahe si Sharon sa asawa ni Robin Padilla sa Facebook bilang suporta sa former It’s Showtime host.

Ani Sharon, “Tuwang-tuwa ako sa ‘yo, bebe!!! Hahahaha ang cuuuuuuute mo!!!  Ang galing, natututo ako!!!!”

During that time ay ibinebenta ni Mariel ang kanyang pre-loved Louis Vuitton shoes kaya saglit siyang natigilan nang makita ang mensahe ni Sharon.


READ: Sharon Cuneta, sinabing si Julia Montes ang nagpupuno ng puwang sa kanyang puso

Reaksyon ni Mariel, “Awww, maraming salamat po, Mega. Thank you so much, Ma’am. Thank you so much, Inay.”

Sagot naman dito ni Sharon, “Wag mo nga ako mina MAM! Inay tama!”

“Inay, maraming-maraming salamat for watching,” tugon dito ni Mariel.

Inaabot ng hanggang madaling-araw si Mariel kapag nagla-live selling siya ng mga used branded wallets, bags, clothes at iba pang gamit niya. Pero meron din naman siyang mga branded items na bago at hindi pa nagagamit at karaniwang nasa closet lang niya.

READ: Sharon Cuneta pens heartfelt message for KC Concepcion on her birthday

Bukod kay Megastar at sa iba pang celebrities ay nanonood din sa live online selling ni Mariel ang asawang si Robin. May pagkakataon pa ngang ito mismo ang nagma-mine ng pre-loved item na ibinibenta ni Mariel.

Napanood din ni Sharon ang pagma-mine ni Robin sa Chanel bag na sinubukang ibenta ni Mariel. Ginagawa raw ni Robin ang pagma-mine kapag alam nitong  gustung-gusto pa rin ni Mariel ang ibinebentang gamit.

Komento ni Sharon, “Ahahahahahahahahahahahahahahahaha Kambal binili uli para kay misis!!!!!!”

Dating leading man at nakarelasyon noon ni Sharon si Robin pero ngayon ay "kambal" na ang tawag niya sa aktor.

Samantala, matagal nang pangarap ni Mariel ang maging online seller at halatang enjoy na enjoy naman siya habang ginagawa ito na kadalasan ay umaabot pa ng madaling araw.