• Home
  • Fresh Scoops
  • Nadine Lustre at Diego Loyzaga, masayang nakasama muli ang mga fans pagkatapos ng matagal na panahon.

Nadine Lustre at Diego Loyzaga na-miss mag-perform sa harap ng audience

Nadine Lustre at Diego Loyzaga, masayang nakasama muli ang mga fans pagkatapos ng matagal na panahon.

Nadine Lustre at Diego Loyzaga na-miss mag-perform sa harap ng audience-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

04/16/2022 09:45 AM
Nadine Lustre at Diego Loyzaga na-miss mag-perform sa harap ng audience
Photo credits: @nadine and @diegoloyzaga on Instagram

Dumayo ng SM Pampanga sina Nadine Lustre at Diego Loyzaga para sa mall tour kanilang pelikulang Greed na streaming na ngayon sa Vivamax. Ito ang kauna-unahang mall tour ng dalawa after the pandemic. Nasa alert level one na ang bansa kaya allowed na ang gatherings at face-to-face interaction basta huwag lang kalilimutang magsuot ng face mask.

Excited na pumasok sina Nadine at Diego sa SM Pampanga para pasayahin ang mga fans na maaga pa lang ay naghihintay na sa venue.

“Nakaka-miss. Kanina nung papasok ako dito nakita ko ang daming tao. Matagal ko rin itong hindi ginawa. Talagang nakaka-miss silang lahat. Nakaka-miss mag-perform sa harap ng maraming tao. Nakaka-miss na makausap sila,” masayang reaksyon ni Nadine sa PUSH na hindi talaga maitago ang pagka-miss na mag-perform sa stage.


“Kumbaga, nakakataba ng puso na after ng pandemic nandito silang lahat. When you see them how they react pag nakikita ka nila parang, ‘Wow!’ It’s also a boost of confidence na parang na-miss din pala ako ng mga tao,” sabi naman ni Diego.

READ: Nadine Lustre recalls story of viral photo with lechon sauce

Ang Greed na isang suspense drama mula sa direksyon ni Yam Laranas ay first movie project nina Nadine at Diego na gaganap bilang mag-asawa sa pelikula na naging problemado ang buhay pagkatapos manalo nang malaki sa lottery.

Ayon sa Multimedia Princess, sobrang na-challenge siya sa gustong mangyari ni Direk Yam sa huling eksena na ipinagawa sa kanila nina Diego at Epy Quizon sa Greed.

“You really have to sustain all of the emotions. The scene was so violent. May kasamang violence and anger, that’s why it was really hard for us. After the cut, parang I would faint or parang aatakihin ako sa puso.

“But for some reason, no matter how intense the scene was, when we went back to the scene nagtatawanan lang kami after. Super light. It’s really amazing to work with the same people, with the same team,” kuwento ng aktres.

READ: Nadine Lustre, ikinuwento kung paano naging biktima ng isang influencer

Nanalong best actress si Nadine sa FAMAS para sa pelikulang Never Not Love You na nasundan ng isa pang best actress award para naman sa pelikulang Ulan. Maulit kaya ito sa Greed?

“It is my wish that her acting talent and fantastic performance in Greed will be recognized and hopefully rewarded by the award-giving bodies. I know Nadine’s job as an actor helped made the film,” pahayag ng direktor ng pelikula.