• Home
  • Fresh Scoops
  • Pangarap mo rin bang makapunta ng Holy Land? Narito ang ilang mga artista na nakapunta na rito.

Mga artistang nakapunta na sa Holy Land Part 3 | Pushpins

Pangarap mo rin bang makapunta ng Holy Land? Narito ang ilang mga artista na nakapunta na rito.

Mga artistang nakapunta na sa Holy Land Part 3 | Pushpins-Push Team
BY
Push Team

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

04/16/2022 08:00 AM
Mga artistang nakapunta na sa Holy Land Part 3 | Pushpins

Dream destination ng karamihan sa mga Kristiyano ang Holy Land lalo na kung ang usapan ay tungkol sa faith and religious practices. 

Gaya na lamang ng mga celebrities na ito na nagkaroon ng pagkakataon na mabisita ang sagradong lugar sa Israel. 

Sinu-sino sila?     


Let’s find out.

 

1. Edu Manzano 

Nagkaroon ng Holy Land pilgrimage ang aktor na si Edu Manzano noong February 2018 kasama ang ilang malalapit na kaibigan.

Ayon kay Edu, isang eye opener para sa kanya ang naging journey niya sa Israel at tinawag itong "a moment of introspect." 

Hindi pinalampas ni Edu ang mapuntahan ang Nazareth kung saan makikita ang underground Synagogue Church. 

Nagtungo rin sa Jerusalem's Old City Wall si Edu na malapit sa Jaffa Gate.

 

2. Ice Seguerra

Nagtungo sa Israel si Ice Seguerra noong 2016 kasama ang asawang si Liza Diño at inang si Caridad Seguerra.

Surprise birthday gift din ni Ice ang Holy Land trip na ito sa asawang si Liza.

Ilan sa mga pinuntahan nina Ice at Liza ay ang Garden of Gethsemane sa Jerusalem.

Nasubukan din nila ang bumaba sa mismong Jordan River sa Tiberias, at sa Sea of Galilee.

Nagbahagi rin si Ice ng mga litrato nila sa Mount of Olives, Holy Sepulchre Church.

 

3. Vicki Belo

April 2018 nang lumipad patungong Israel sina Vicki Belo at asawa nitong si Hayden Kho.

Ayon kay Vicki, nagkaroon umano siya ng chance na makita ang mga lugar na nasa Bibliya lang niya nababasa.
Kasama ang asawang si Hayden ay napasyalan nina Vicki ang Pool of Bethesda sa Jerusalem kung saan pinagaling ni Hesukristo ang isang paralyzed man.

Una nang nabisita nina Vicki at Hayden ang Israel noong 2014.

Tingnan ang mga lugar sa Holy Land na napuntahan na ng mga artistang nabanggit sa episode na ito ng Pushpins.  

Gusto niyo rin bang puntahan ang Holy Land?