• Home
  • Fresh Scoops
  • Elisse Joson, hindi maiiwasang makaramdam ng pangamba sa tuwing may mga nababalitaan siyang showbiz couple na naghiwalay.

McCoy De Leon at Elisse Joson, ayaw magpa-apekto sa mga hiwalayan ng ibang showbiz couples

Elisse Joson, hindi maiiwasang makaramdam ng pangamba sa tuwing may mga nababalitaan siyang showbiz couple na naghiwalay.

McCoy De Leon at Elisse Joson, ayaw magpa-apekto sa mga hiwalayan ng ibang showbiz couples-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

04/14/2022 09:30 AM
McCoy De Leon at Elisse Joson, ayaw magpa-apekto sa mga hiwalayan ng ibang showbiz couples
Photo credits: @ mccoydeleon on Instagram

Hindi nagmamadaling magpakasal sina McCoy de Leon at Elisse Joson. Biglaan na raw kasi ang pagdating ng kanilang first baby na kakatapos lang mag-one year old kaya kaya hindi na nila minamdali ang magpakasal.

“Preparations kasi talaga ang kailangan, because yon nga, alam naman natin with a baby, it was sudden din. So we want to be prepared to move forward din with our future kasi malaking bagay na yon dahil nga meron na din kaming anak. So we want to be prepared,” pahayag ni Elisse.

“Siyempre, kasama na dun yung kailangan mag-ipon,” dagdag pa ni Elisse na sinegundahan naman ni McCoy ng, “Nag-iipon pa kami. Gusto namin muna mag-ipon din.”


READ: Elisse Joson, aminadong ‘awkward’ sa kanilang intimate scenes ni McCoy De Leon para sa bagong pelikula

Aminado naman ang aktres na habang wala pang basbas ng simbahan ang kanilang pagsasama ni McCoy ay hindi maiiwasang makaramdam siya ng pangamba sa tuwing may mga nababalitaan siyang showbiz couple na naghiwalay o kaya ay hindi tumagal ang relasyon.

“Alam ni McCoy yan. Hahaha!” pagtatapat ni Elisse. “Kapag may mga issue sa akin napupunta yung duda, eh. Sabi ko, ‘Nanay, hindi ko alam ito.’ Ganun, ganun siya,” natatawang reaksyon naman dito ni McCoy.

Sinisiguro naman ng aktor na walang dapat ipag-alala ang kanyang live-in partner.

Saad niya, “Lagi kong sini-secure są kanya na, ‘Wag mong pansinin yung mga yan. Kung paano natin mapapasaya yung anak natin, ang bawat isa sa atin, yon ang dapat nating isipin. Alagaan natin yung relationship natin.’”

READ: Elisse Joson, aminadong medyo kinabahan na makatrabaho ulit si McCoy De Leon

Hirit naman dito ni Elisse, “Ang kailangan lang naman talaga is you both feel secured with each other. Okey naman yon kahit may news pa from other people na hiwalayan. Hindi na yan makakaapekto sa inyo.”

“Though, normal naman na sinasabi ko sa kanya, ‘Uy si ano, ganyan…’ But normal lang. It’s very casual for me.  Hindi ko naman siya parang ini-stress. I don’t stress about it,” giit pa ni Elisse.

“Kaya sa mga artista, wag na kayo maghiwalay nadadamay ako. Hahaha!” natatawang pakiusap ni McCoy.

Samantala, puring-puri ni Direk Real Florido ang mga pagganap nina McCoy at Elisse sa Habangbuhay na streaming this April 22 sa Vivamax.

“Itong dalawang young actors na ito, mahaba pa yung tatakbuhin ng career nila. I’m not overpatronizing the project, but sobrang happy ako that I got them as the main actors in Habangbuhay," pagmamalaki ng direktor.