• Home
  • Fresh Scoops
  • Nagsalita na ang ina ni Francine Diaz na si Merdick Saenz Diaz kasunod nang inilabas na pahayag ni Andrea Brillantes.

Ina ni Francine Diaz naglabas ng sama ng loob tungkol kay Andrea Brillantes

Nagsalita na ang ina ni Francine Diaz na si Merdick Saenz Diaz kasunod nang inilabas na pahayag ni Andrea Brillantes.

Ina ni Francine Diaz naglabas ng sama ng loob tungkol kay Andrea Brillantes-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

04/13/2022 02:21 PM
Ina ni Francine Diaz naglabas ng sama ng loob tungkol kay Andrea Brillantes
Photo credit to @francinesdiaz Instagram

Inamin ng ina ni Francine Diaz na si Merdick Saenz Diaz na nasasaktan na siya mga isyung patuloy na ibinabato sa kanyang anak. 

Ito ay matapos ang Instagram Live ni Andrea kung saan nilinaw nito ang mga isyung kumakalat tungkol sa kanya kabilang na ang isa kung saan sinugod umano niya si Francine sa isang dressing room. 


Ani Andrea, walang katotohanan ang isyung ito at kaya umano niyang ito patunayan. 

“Guys, let’s be real. Kung totoo naman yun, sana kumalat na. Pero walang kumalat na video. There are CCTVs in every corner of ABS-CBN and I actually asked for a footage para lang may mapakita ako sa mga tao na hindi ko ito ginawa. Andito ako sa elevator, bumalik ako sa dressing room. I didn’t do that,” saad ni Andrea sa kanyang Instagram Live. 

Paglilinaw pa ni Andrea, naglabas siya ng pahayag hindi para gumawa ng panibagong isyu kundi para maka-move on na umano ang mga tao sa nasabing isyu. 

“The reason why I did this now is for people to move on na rin. I didn’t do this to create another issue. I didn’t do this to create another problem, to be called a victim or to be called problematic. I’m doing this for closure. I’m not asking you to believe in me. Kasi this is for everyone, closure for me, closure for my fans, closure to their fans. Hindi niyo kailangan maniwala,” ani Andrea. 

READ: Andrea Brillantes clarifies ‘sugod’ rumor with Francine Diaz: ‘I was mad and broken’

Ngunit tila hindi nagustuhan ng ina ni Francine ang ilan sa mga sinabi ni Andrea. 

Kaya naman sa isang Facebook post na ngayon ay burado na, ipinagtanggol ni Merdick Saenz Diaz ang anak na si Francine. 

“Nanahimik anak ko tigil-tigilan mo na anak ko, manahimik ka na. ‘Wag mo 'ko pilitin maubos pasensya ko sa inyo! Baka magkaalaman tayo hangga’t maari ayaw ka patulan. Puro pang-unawa at pagpaparaya ang binigay sayo ng anak ko,” ani ng ina ni Francine. 

“Hindi porket hindi kami sumasagot at kumikibo, hindi ibig sabihin ok lang sa amin. Wag ako Andrea Brillantes,” dagdag pa ng ina nito. 

Hindi din pinalampas ng ina ni Francine si Seth Fedelin na aniya’y hindi man lang dinepensahan ang kanyang anak. 

Matatandaang nauna nang nag-live sa Instagram si Seth kung saan nagdesisyon siyang depensahan si Andrea kasunod ng kaliwa’t-kanang spekulasyon matapos sagutin ng aktres si Ricci Rivero. 

READ: Seth Fedelin defends Andrea Brillantes’s new relationship from bashers: ‘Suportado ko silang dalawa’

“At ikaw Seth, sana ganyan din ang ginawa mong pagtatanggol sa anak ko ng nadamay sa ‘yo kung talagang tinuturing mong kaibigan anak ko,” ani Merdick. 

Agad namang ipinaliwanag ng ina ni Francine kung bakit siya pumutok sa social media. 

Aniya, hindi na niya kinaya ang mga isyung pilit ibinabato sa kanyang anak na si Francine. 

“Bilang isang magulang nasasaktan din kami sa mga sinasabi nyo na hindi maganda sa anak ko. Kaya pumutok na ako ng ganito dahil hnd ko kinaya na siguro naman naintindihan nyo bilang isang ina maging happy nalang tayo. Salamat sa taong nagpa kalma sa akin at mas maraming bagay na dapat ipagpasalamat namin,” ani Merdick.