• Home
  • Fresh Scoops
  • Ibinahagi ng aktor ang kasiyahan na nadarama tuwing kasama ang kaniyang anak.

Carlo Aquino, thankful sa co-parenting agreement nila ng dating partner na si Trina Candaza

Ibinahagi ng aktor ang kasiyahan na nadarama tuwing kasama ang kaniyang anak.

Carlo Aquino, thankful sa co-parenting agreement nila ng dating partner na si Trina Candaza-Kiko Escuadro
BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

04/14/2022 08:20 AM
Carlo Aquino, thankful sa co-parenting agreement nila ng dating partner na si Trina Candaza
Photo credits: @jose_liwanag on Instagram

Not seeing anyone at this moment ang Kapamilya actor na si Carlo Aquino. Ito ang naging paglilinaw niya matapos ang naging hiwalayan nila ni Trina Candaza.

READ: Trina Candaza, lumipat sa bagong bahay kasama ang anak; hiwalay na kay Carlo Aquino?

Si Trina ang ina ng anak ni Carlo na si baby Mithi na inspirasyon ngayon ng aktor sa kaniyang buhay.


Sa panayam ng PUSH kasama ang iba pang entertainment press, ibinahagi ng aktor kung anong kasiyahan ang kaniyang nadarama tuwing kasama ang kaniyang anak.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Carlo Aquino (@jose_liwanag)

"Masarap. Ang sarap lang na makita 'yung anak mo," masayang tugon ng aktor.

“Ang sarap kasi na parang walang ibang pagmamahal na hindi ko pa alam. Ang sarap lang na 'yung pinagta-trabahuhan mo, hindi na lang para sa’yo, para sa anak mo na,” ani Carlo.

Aminado rin ang aktor na masaya siya sa bawat oras ng kaniyang pag-uwi tuwing nasa kaniyang pangangalaga ang anak.

"Ang sarap talaga amuyin, minsan natutulog siya sa akin. Tapos parang kahit na awkward ang posisyon mo, two hours nang hindi ka gumagalaw, ngawit ka na talaga, hindi mo na maigalaw ang kamay mo, basta hindi lang magising ang anak mo."

Bilang isang ama, bakas rin sa mga mata ng aktor ang kasiyahan nang tanungin ang kanyang parenting style pagdating sa nag-iisang anak.

"Pag umuuwi ako pag [galing] lock-in [taping], maglalaro lang kami sa playroom, doon sa doll house na binigay ng sister ko para sa kanya. Mga ganun lang, tapos minsan out of town, punta lang sa farm,” sambit ng aktor.

Thankful din si Carlo sa co-parenting agreement nila ng former partner sa pagpapalaki ng kanilang anak.

"Tulad ngayon, may event kaya medyo exposed, maghihintay ako ng mga one week. Pero nakikita ko naman si baby. Minsan natutulog sa akin tapos tulad niyan promo [ng show], tapos face-to-face na parang nakakatuwa kasi nandito na ulit tayo. Parang after two years, nandoon lang tayo sa laptop," matipid na pahayag ng aktor.

Isa si Carlo sa mga bida ng romantic comedy series ng ABS-CBN Entertainment at YouTube na How To Move On in 30 Days kasama sina Albie Casiño at Maris Racal.