• Home
  • Fresh Scoops
  • Sa unang pagkakataon, magsasama sa iisang proyekto ang kapwa ‘Pinoy Big Brother’ housemates na sina Kyle Echarri at Chie Filomeno.

Kyle Echarri at Chie Filomeno, bibida sa seryeng ‘Beach Bros’

Sa unang pagkakataon, magsasama sa iisang proyekto ang kapwa ‘Pinoy Big Brother’ housemates na sina Kyle Echarri at Chie Filomeno.

Kyle Echarri at Chie Filomeno, bibida sa seryeng ‘Beach Bros’-Leah Bueno
BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

04/12/2022 02:50 PM
Kyle Echarri at Chie Filomeno, bibida sa seryeng ‘Beach Bros’
Photo credit to @dreamscapeph Instagram

Sa unang pagkakataon, magsasama sa iisang proyekto ang kapwa Pinoy Big Brother housemates na sina Kyle Echarri at Chie Filomeno.

Nitong Linggo, Abril 10, inanunsyo ng Star Magic at Dreamscape Entertainment na bibida ang dalawa sa bagong serye ng ABS-CBN na Beach Bros.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Star Magic (@starmagicphils)

Pangungunahan ng direktor na si Victor Villanueva — na nakilala sa kanyang 2016 film na Patay Na Si Hesus — ang nasabing serye. Kabilang din sa palabas sina Kira Balinger, Angelica Lao, Sean Tristan, Raven Rigor, Lance Carr, at Brent Manalo.

Sa ngayon ay wala pang ibang detalye na inilalabas tungkol sa nasabing proyekto.

Matatandaan na parehong naging parte ng Kumunity Season 10 edition ng Pinoy Big Brother sina Kyle at Chie.

Sa kanyang guesting sa Magandang Buhay, inamin ni Chie na nagkaroon siya ng crush kay Kyle noong nagkasama sila sa Bahay Ni Kuya.

"Kasi parang sino ba naman ang hindi magkakaroon ng crush kay Kyle. Sobrang talented niyang bata and 'yung mindset niya very infectious," ani ng aktres.

Ipinaliwanag din niya ang pagiging malapit nila ni Kyle sa isa't isa noong nasa loob sila ng "PBB" house.

"'Yung closeness kasi namin ni Kyle sa loob, it's a special bond that we were able to create po kasi kami 'yung parang takbuhan namin 'yung isa't isa and he made me feel na puwede kong sabihin sa kanya ang lahat ng problema ko," aniya.

Ayon naman kay Kyle, kahit bago pa sila naging housemates ay mabuting kaibigan na niya si Chie.

"I think one of the reasons why we're close because we went through the same thing in showbiz na parang tinatrato kami ng mga netizen na parang lahat ng mga ginagawa namin ay mali. 'Yun ang pakiramdam namin," aniya.