• Home
  • Fresh Scoops
  • Pangarap mo rin bang makapunta ng Holy Land? Narito ang ilang mga artista na nakapunta na rito.

Mga artistang nakapunta na sa Holy Land Part 2 | Pushpins

Pangarap mo rin bang makapunta ng Holy Land? Narito ang ilang mga artista na nakapunta na rito.

Mga artistang nakapunta na sa Holy Land Part 2 | Pushpins-Push Team
BY
Push Team

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

04/15/2022 08:00 PM
Mga artistang nakapunta na sa Holy Land Part 2 | Pushpins

Dream destination ng karamihan sa mga Kristiyano ang Holy Land lalo na kung ang usapan ay tungkol sa faith and religious practices. 

Gaya na lamang ng mga celebrities na ito na nagkaroon ng pagkakataon na mabisita ang sagradong lugar sa Israel. 

Sinu-sino sila?     


Let's find out.     

 

1. Kris Aquino  

August 2013 nang magtungo si Kris Aquino sa Israel kasama ang dalawang anak na sina Josh at Bimby.  

Maliban sa pagpunta roon para sa kanilang Holy Land pilgrimage ay dito rin inalala ni Kris ang kanyang ina na si Cory para sa 4th death anniversary nito.  

Ayon kay Kris, gusto ng ina niyang si Cory na mabisita nila bilang pamilya ang Holy Land.  

Binisita nila Kris ang ilang simbahan gaya ng The Annunciation Church and Workshop of St. Joseph, at Church in Cana.  

Nilibot din nila ang Capernaum - The Town of Jesus at Sea of Galilee.  

 

2. Drew Arellano

Nagtungo sa Israel at Jordan si Drew Arellano noong April 2016 para libutin ang lugar.  

Ilan sa mga pinuntahan ni Drew ay ang Sea of Galilee kung saan nakasaad sa bibliya na naglakad si Hesus sa tubig.  

Nagkaroon din ng pagkakataon si Drew na mabisita ang Church in Cana at iba pang simbahan at synagogues sa Israel.  

Sinubukan din ni Drew ang ilang Israeli dishes gaya na lamang ng St. Peter's fish.  

 

3. Alden Richards

Lumipad patungong Israel si Alden Richards noong March 2019 para kunan ang ilang eksena para sa Lenten episode ng kinabibilangan nitong show.  

Nagkaroon ng pagkakataon si Alden para mapuntahan ang ilang sagradong lugar sa Israel gaya ng Sea of Galilee, Capernaum, at The Shepherd's Field.  

Hindi rin pinalampas ni Alden ang pagkakaroon ng renewal of baptism gamit ang tubig sa Jordan River, kung saan bininyagan ni John the Baptist si Hesukristo.   

Napuntahan din ni Alden ang Stella Maris Monastery na nakatayo sa slopes ng Mount Carmel.  

 

4. Yeng Constantino

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Yeng Constantino (@yeng)

Sa Israel napili ni Yeng Constantino magbakasyon noong Christmas 2017.  

Kasama ni Yeng sa pamamasyal sa mga pilgrimage sites sa Holy Land ang asawa nito na si Yan Asuncion.  

Ayon kay Yeng ay nasa bucket list niya ang pagpunta sa Israel kaya naman excited ito nang matuloy sila ng kanyang asawa.   

Nasulit ni Yeng ang kanyang pilgrimage dahil nabisita niya ang Mediterranean Sea, Old Jaffa sa Tel Aviv, Mount of Olives Cemetery at Church of the Nations sa Jerusalem.  

Napuntahan din ni Yeng ang Capernaum Synagogue at Church of Annunciation na matatagpuan sa Nazareth.  

Tingnan ang mga lugar sa Holy Land na napuntahan na ng mga artistang nabanggit sa episode na ito ng Pushpins.  

Gusto niyo rin bang puntahan ang Holy Land?